Sa mga oras na ika’y maligaya
Nandito ako, pinagmamasdan ka
Sa mga oras na ika’y balisa
Ako’y nakatingin, at naaawa.
Alam kong nararamdaman mo
Ang aking pagmamahal at pagsuyo
Ngunit, bakit ang manhid mo?
At sinabing, “Magkaibigan na lang tayo.”
Mundo ko ay napatigil
Ako’y papaiyak at nanggigigil
Bakit kahit anong gawin ko,
Magkaibigan lang talaga tayo?
Noong unang araw ng pasukan,
Hindi ko ninais na ika’y maging kaibigan
Ngunit sa paglipas ng panahon
Heto ako’t nag-aambisyon
Nag-aambisyong makuha ka,
Nag-aambisyong mapaligaya ka,
Nag-aambisyong higit pa sa kaibigan
ang ating turingan sinta…
oh..its just too lame.