Aninag ka ng aking galang mga mata
na kanina pa’y nakasulyap sa ‘yo.
Unti-unting umukit sa aking isip at kamalayan
ang kalikasan mong mapangakit.
Puso kong nakauwang na may
tangan-tangan na pangungulila.
Ano pa’t pinagaan ng bahag-hari
mula sa iyong paraiso.
Hindi ko alam iniibig na kita.
Ngunit sa bawat kislap ng iyong mga mata
hindi ko masilip ang pag-asa.
Tanging mga pagkakaiba at mga elemento
ng kalungkutan ang tanaw.
Ano’t sakmal ako ng kalungkutan;
na sinlawak sa espasyo ng ikalabing-isang palapag.
Kahit na ako pa man ay magkubli
sa nakatalikod na balat-kayo
Maging ang lamig sa iyong dako
ay sumisikad sa alaala ng paglimot sa ‘yo.
Sa hanging-Disyembre ay nais ko ring ipakiusap
na iwaksi ka sa aking panaginip
Hanggang sa tanaw ay di ka na mahagip.

* subalit hindi kita maiiwasang makita

Si Reden Francisco ay taga-Marikina City.

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.