“Patalsikin si Erap
Sobra nang pahirap”
-Edsa Dos-
Kung ipinakita lang sana sa tubig ang magiging mukha ng bukas
pagkatapos ng masigabong palakpakan sa Edsa noong ipatong
ni Gloria ang palad sa Bibliya, lahat ng naghuhugas ng pinggan,
naglalaba, naliligo sa batalan, lumalangoy sa ilog, namamangka,
nangingisda, lahat sila ay susugod din sa Edsa. At lahat naman silang
naroon naâ€
sa saya ay magigitla sa makikita: ang sumusumpa sa harap ng Bibliya
ay siya palang mas malaking limbas na tatangay sa yamang-bayan,
ay siya palang mas maitim na uwak na tutuka sa ating mga sugat,
ay sila palang sasakal sa laya ng tula, kikitil sa liwanag, sa hininga,
sa alab, sa tamis ng pag-asa. At ang ititira lang sa madlang pagod na
ay mga bubog ng basag na pangarap. Kung ipinakita lang sana sa ulap
na mas malagim na unos si Gloria kay Erap, lahat silang nangakatingala
habang isinasalin ang korona sa Edsa ay mapapaputang-ina: “tangina,
mga kasama, masdan ninyo sa ulap, dinaraya ang resulta ng halalan,
dinarakip ang panganay ni Mang Adan, pinapaslang ng militar si Kulas,
pinupulbos ang sibilyang mapanglaban!†Kung ipinamalas lang sana
sa himpapawid na ang diwa ng aklasaâ€
masidhi ang ating paghibik. Subalit hindi nakialam ang tubig at langit.
Kung nagkatinig lang sana ang hangiâ€
ng bangkay, hindi sana naging matagal ang paghahari ng pait at lumbay.
At kung sakaling kinagabihan ay tumambad sa apoy ng mga kandilang
lumuluha, kung paano mahahalay ng asawa niyaâ€
kapartidoâ€
nooâ€
kalahating himagsikang Edsa. Gugulong sa kalsada ang ulo ni Gloria.