Kung di mo makaya aking kakulitan
aking mga trip kung hindi masakyan
siguro nga dapat na tayong maghiwalay
upang di na tayo magkasakitan.

Wala akong magawa pagkat ako’y ako,
Di ko kailangan ang ako’y magbago.
Kung di mo matanggap ang kakulitan ko
mas makabubuting maghiwalay tayo.

Oo nga mahirap kung malalayo ka
pagkat nasanay na lagi kang kasama
ngunit paano pa tayo liligaya
kung di magkasundo tayo sa tuwina?

Hindi ba noon pa alam mo na ako
bukod sa pasaway ay sobrang seloso?
Sabi mo sa akin ay matatanggap mo
mga kahinaan okey lang sa iyo.

Ngunit bakit ngayon pawang panunumbat
magmula sa iyo aking natatanggap?
Ang pangako mo ba naglaho na ganap
mali nga ba akong laging maging tapat

Akala ko noon ang ating samahan
magpahanggang wakas walang katapusan.
Ngunit siguro nga ako ang nagkulang
kaya ibibigay iyong kalayaan.

Huwag mag-alala di ako iiyak
kahit itong puso luhaa’t may sugat.
Tamis ng ‘yong ngiti kahit laging hanap
ang iyong paglisan aking matatanggap.

Di ako iiyak kahit nasasaktan.
Di ako iiyak sa panghihinayang.
Hindi rin gagawin ang ika’y pigilan
upang makamit mo ang katahimikan…

mike

Si Michael ay isang OFW sa South Korea. Kasalukuyan siyang head servant ng Baran Emmaus Filipino Community at regular na contributor sa mga newsletter sa Korea. Nagwagi siya ng unang gantimpala sa 2008...

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.