Chicharon…
taba ng bulok na sistemang
inampaw ng kumukulong mantika…
mantika na pinalangis mula
sa kaban ng bayan…
pilit nilulunok…
bumabara sa lalamunan.

Hinalo at pinalangoy sa sukang iloko…
ang pinatinding asim ng pinaghalong
pawis at dugo ng mga manggagawa,
magsasaka, pesante at migrante…
isinubo ngunit nanatiling maasim.

Ang pulang butil ng labuyo
na aking nilalaro…
bahagyang nanunudyo…
kagyat na nilapirot
hanggang lumitaw ang buto
at kumalat ang nagsisidhing damdamin.

Ang asim ay pinatindi ng
anghang na siya ngayong
pumapaimbabaw sa kabuuan
ng aking bibig.

Ang anghang ang siyang
nag-udyok sa aking dila sa pagmumura!

Hanggang supalpalan ng
matatamis na pangako
upang maibsan ang anghang

…ngunit nanatili ang init
sa dibdib.

The writer is an alumnus of the College Editor’s Guild of the Philippines, took up AB English at St. Louis University, Baguio City. He is currently working for the Republic of the Philippines

Join the Conversation

5 Comments

  1. thank you for all the comments…@ liz-c thanks @ganda thank you @ jhun reyes just 3 years on my post as an officer in the govt i may be inside the system but that doesnt mean i already compromised my ideals… i praise worthy programs of the government but i am the first to criticize if i think it seems that it is otherwise

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.