Maaaring ako lang ang nakaramdam nito noong nakaraang linggo, pero hindi ko mapigilang isiwalat ang aking pagkabwisit.

Una akong nabwisit ng makatsamba si Pacquiao kay Marquez sa third round ng kanilang “Unfinished Business” match. At that moment, agad kong sinisi si Marquez sa kanyang kapabayaan. Bakit niya hinayaang makatsamba si Pacquiao? Bakit hindi niya nakita ang bara-barang suntok ni Pacquao? Alam naman niyang malakas manuntok si Pacquiao. Alam naman niyang mabilis ang kamay ni Pacquiao.

Sunod akong nabwisit nang ma-headbutt ni Pacquiao si Marquez dahilan upang masugatan ang Mehikano sa bandang itaas ng kanyang kilay. Bagamat accidental headbutt naman yun, nakakabwisit pa rin ang naging epekto nun kay Marquez. Lalo pa’t artista na rito si Pacquiao, di rin maalis sa isip ko ang makulit na tanong di kaya inartehan na naman niya ang headbutt para magmukhang aksidente lang yun?

At nung ilahad na ang desisyon ng mga hurado, mas nabwisit ako sa naging resulta. Bakit si Pacquiao ang nanalo? Bakit hindi si Marquez e, samantalang si Marquez naman ang mas mahusay sa kanilang dalawa? Si Marquez ang nakapagpatama ng mas marami sa kanilang dalawa. Napadugo ni Marquez ang kilay ni Pacquiao ng dahil sa suntok, at hindi ng headbutt.

At ngayong siya na ang bagong kampeon, mas bwisit na bwisit ako.

Akalain nyo bang ipagmalaki niya ang kanyang sarili bilang kampeon ng masang Pilipino? Akalain nyo bang ipagyabang ng Malakanyang ang tagumpay ni Pacquiao bilang siya umanong nag-isa sa sambayanang Pilipino? Bwisit!

Totoong malakas manuntok si Pacquiao. Totoong mabilis si Pacquiao. Pero hindi siya magaling na boksingero. Magaling lang siyang mascot ng pamahalaang ito. Siya ang bayani ng pamahalaan na kayang talunin ang mga kalaban, if the price is right.

Kaya tingnan nyo naman ang mga nagangayupapa sa kanya sa Malakanyang. Katulad din niya. Magagaling. Mahuhusay. If the price is right.

Sa isang banda, totoo rin na napag-isa ni Pacquiao ang sambayanan. At least, nung araw ng laban niya. Nagkaisa ang sambayanan na panoorin ang kanyang laban. Pero hindi ako sigurado na nagkaisa rin ang sambayanan sa pagdarasal ng kanyang panalo (bagamat mukhang mas marami ang nagdasal sa kanyang pagkapanalo, dahil malamang sa mga pusta).

Basta ang sigurado, hindi nabago ng kanyang panalo ang paninidigan ko laban sa kurakot na pamahalaang ito.

At isa pang sigurado, bwisit na bwisit ako.

Join the Conversation

5 Comments

  1. hindi pa napakababaw naman yata ang sinasabi nila na “nagkaisa” ang Filipino dahil kay Pacquiao? O baka naman naisahan ang Filipino imbes na nagkaisa? kung baga ang pagkakaisa na sinasabi nila ay pansamantala at wala namang kabuluhan dahil ang isang maipagmamalaking tunay na pagkakaisa ay kung ito ay magdudulot ng kabutihan para sa mamamayan lalo na kung mababawasan ang naghihirap imbes na dumarami.

    We are so pathetic that have perverted even the meaning of unity when events like this only serve as a diversion to steer away our focus from the real problem of the nation.

  2. tama,nakinabang ang malakanyang sa panalo ni pacquiao,ganunpaman karamihan sa mga pilipino ay natuwang dalisay sa panalong ito bilang isang pilipino.nahahaluan ng politika ang sports dahil ginusto na rin ng nag-i-isport ang politika.sayang,ang boksing ay boksing.marangal na laro kung tutuusin,ang masakit lang,kapag tinawag na itong laban para sa bayan,BWISIT na nga!Laban para sa bayad,puede pa.Kung malinaw lang ang laman ng mga kukote ng mga politiko sa’tin,higit sanang pagtuonan ng pansin ang mga national athlete.sila talaga ang lumalaban para sa bayan.

  3. tama si jun cruz reyes, kung gaano karami ang nagdiriwang sa pagkapanalo ni Pacquiao ganuon din karami ang api at kawawa sa Pilipinas. Si Pacquiao ang pinakamagandang halimbawa ng isang palsong pag-asa na ibinabandera ni GMA. Hindi malulutas ng boksing ang daing at hinaing ng bawat isang Pilipino na nanakawan ng oportunidad at pagkatao dahil sa mga palsong lider at politiko na katulad ni Pacquiao na laging feeling artista. Nasabi ko man ito wala naman akong planong hamunin ng suntukan si Pacman ano ko bale, e dun nga lang sya magaling.

  4. Duwag naman pala talaga itong si Paquiao. At kay Juan Manuel Marquez lang nabahag ang kanyang buntot.

    Naalala nyo pa ba yung yabang niya noon na makipagsuntukan na lang daw sa kanya ang sinumang nagsasabi na si Marquez ang tunay na nanalo?

    Puwes, ung magkaharap sila sa “Invasion”, wala siyang nasabi sa mga unang pahayag ni Marquez na alam mismo ni Paquiao na si Marquez ang talagang nanalo.

    Ni hindi pa nga makatingin ng diretso ang duwag at hambog sa mga mata ni Marquez,.

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.