Gutom ay di alintana
nitong pobreng manggagawa
sagad sa pagod ang katawan
salat naman sa kabayaran

naglalatak na ang pawis
lumang labakara ang pampalis
walang imik sa pagtitiis
may pambili lang ng ulam kahit dilis

karaniwang ganito ang senaryo
ng lubog at naghihirap na tao
kanilang isipan ay laging lito
mga pangarap ang hirap mabuo

ano mang paraan ay ginagawa
upang pamilya ay makalinga
prinsipyo’y napipilitang ibenta
magkaroon lang ng konting pera

Joseph V. Salamat

Si Mr. Joseph V. Salamat ay isang high school teacher.

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.