Tayo raw mga Pinoy rito sa ibang bayan,
Tunay na dakila, tunay na uliran,
Mga Bagong Bayani sa ‘ti’y katawagan,
Bayaning pasakit, luha ang puhunan.

Kung Bagong Bayani tayong naturingan?
Bakit hindi natin ito maramdaman?
Kung ika’y uuwi sa mahal na bayan,
Ba’t sobrang hihigpit, tao sa paliparan?

May bayani nga bang di iginagalang?
Di dinadakila’t pinararangalan?
Sa loob ng “NAIA”, animo tulisan,
Bago makalabas, tunay na kaytagal.

Mahaba ang pila, marami pang tanong,
Ang iyong bagahe pilit kinuk’westyon,
Nakapagatataka, bakit nagkagano’n?
Ito ba ang dapat sa ‘ti’y isalubong?

Bakit kapag ibang lahi ang dumating,
Lalo pa at sikat, lahat napa-praning,
Silang aalayan, espesyal na tingin,
Mga Bagong Bayani, hindi pinapansin.
Di ba nila batid mga paghihirap?
Lahat ng pasakit na ating dinanas,
Mga Bagong Bayani sa ibayong dagat,
Luha at pighati ang laging kayakap.

mike

Si Michael ay isang OFW sa South Korea. Kasalukuyan siyang head servant ng Baran Emmaus Filipino Community at regular na contributor sa mga newsletter sa Korea. Nagwagi siya ng unang gantimpala sa 2008...

Join the Conversation

9 Comments

  1. Tama po, pero kelangan lang talagang sumunod tayo sa kanilang batas. Kaya nga bayani eh. Bayani po tayo sa sariling bansa natin, bayani po kayo. Kaya dapat maging masikap ang bawat Pilipino para na rin sa sarili niyang kapakanan.

  2. tanong ko lang po kung sino si michael balba kz kelangan po kz yun para sa may akda ng tula sa PROJ namin sa Filipino. Sana po maanser nyo po tanong ko. tula niyo po kz ang napili ko. SALAMAT… aantayin ko po ang sagot nyo kahit dito nyo nalang po ipost…

  3. hi maybel
    tnx for ur comment on my poem

    soree kazee
    late na late na reply ko
    bc kazee sa work

    im trying to email u
    kaso mali ang email add ata
    ayaw pumasok

    i just hope that u can read this.

    f u have something 2 ask me
    add me on ur YM

    mikebarairo@yahoo.com

    tnx…

    GOD BLESS…

  4. Diba dapat lamang naman na maging mahigpit ang NAIA lalo na kung proteksyon na ang pinaguusapan.Maganda po ang tulang ginawa niyo. At kung hindi man po tayo binabigyan ng magandang atensyon Panginoon na po ang bahala sa kanila.Ryt??//?

  5. Kailangan talaga ang maghigpit
    sa NAIA mamaya terorista na yong
    pumapasok ng
    bansa natin.
    Pero tama ka rin
    naman sa huling saknong mo
    na pag sikat yung dumadating
    o may pera e wala ng
    tanong tanong
    wala ng inspeksiyon
    inspeksyon.

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.