“Saan ka man naroroon ngayon
Saudi, Japan o Hongkong,
Babalik ka rin,Babalik ka rin,
Babalik ka rin.”

Kaysarap pakinggan ng awiting ito,
Awitin na handog sa OFW,
Gano man kalayo, bansang narating mo,
Di malilimutang ika’y Filipino.
Babalik ka rin sa bayan mong mahal,
Sa bayan mong liyag na ‘yong sinilangan,
Saan man naroon di malilimutan,
Na ika’y bumalik sa mahal na bayan.
Babalik ka rin sa bayan mong sinta,
Pagkat naroroon tunay mong ligaya,
Babalik ka rin sa ‘yong pamilya,
Pagkat ang ‘yong yaman, sila lang talaga.
Babalik ka rin, babalik ka rin,
Iyan sa tuwina ang laging isipin.
Ikaw ma’y nawalay sa bayan mong giliw,
Sa tamang panahon ika’y babalik din.

mike

Si Michael ay isang OFW sa South Korea. Kasalukuyan siyang head servant ng Baran Emmaus Filipino Community at regular na contributor sa mga newsletter sa Korea. Nagwagi siya ng unang gantimpala sa 2008...

Join the Conversation

2 Comments

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.