Napako ang mga naluluhang
mata ni Tiya Meling sa T.V.
nang makita niyang umiiyak
ang Idol na si Willie,
hinahamon si Joey, kinukumbinsi
ang sambayanan na hindi siya
mandaraya, at ang istasyong
kinabibilangan niya ay laging
matapat sa layunin nitong
makapagbigay saya at pag-asa.

Nakalimutan na ni Tiya na iisang
kamay lang ang nanghipo noon sa isang
kandidata sa Calendar Girl,
ang nagpasakit sa bagong kasal pang
asawang ngayo’y hiwalay na sa kanya,
ang kumaway ng paanyaya sa Ultra,
at pinakahuli, ang nabistong nanalamangka.

Nakalimutan na ni Tiya na galit siya
sa malilikot ang kamay, nakalimutan
ni Tiya na noong nanakawan siya
ng paninda sa bangketa, binayaran
niya ng tig-sisingkuwenta ang mga
binatang gumulpi sa nahuling istambay.
At ni hindi man lang tumulo ang kanyang
luha nang makita ang gumagapang
at duguang katawan ng kawatan.
Subalit tuwing humihingi ng paumanhin
ang idolo nya sa T.V., binubuksan niya
ang puso, pati lagusan ng kanyang luha,
at tinatanggap ang mga pampalubag-loob
na katulad nito: “Kapamilya, kayo po
ang tunay na bida dito, at hindi ako.”

Araw araw tuwing tanghali,
bukambibig ito sa Wowowee:
“Salamat sa mga subscribers ng TFC.
Salamat sa pinadadala ninyong tseke,
sa mga pinagpaguran ninyong dolyares.
Makakaasa po kayong aabot ito
sa bibig ng mga nagugutom.”
Subalit hindi laging naililihim
sa loob ng mga bayong o ng mga kahon
ang katotohanang hindi kawanggawa
ang paboritong palabas sa T.V. ni Tiya;
isa lamang ito sa maraming kabuhayan
ng iilang nasa itaas na magkakapamilya.

Join the Conversation

9 Comments

  1. tama po kayo sanay maipaliwanag nyo pang mabuti na ang mga nakikita sa tv na akala mo mga anghel ay nagkukunwari lamang dahil ang kanilang ginagawa ay para sa mga amo nila na puro pansarili lamang ang mga nasa isip pero pinalalabas nila na pagtulong sa kapwa ang kanilang ginagawa mahusay sila umarte dahil yan ang kanilang trabaho ang pagkukunwari pero lahat ay may katapusan at katulad ng tanong nila sa contestant na “wilyonaryo o uwi na you” WILLY ang payo ko sayo UWI NA YU!!!

  2. hindi sa lahat ng pagkakataon ang tao’y perpektong nakatutulong… nakatutulong nga subalit may kapalit.. walang pinagkaiba ang nararapat na maramdaman ng mga naabuso at naloloko ng mga kawatan sa mga taong lubhang mapagbalat kayo lamang… dahil ba maraming mamamayan ang nakapapanood nito??? o maraming mamamayan ang naloloko ng mga ganitong gawain????

    pakitang tao?

    palagay ko yun ung key word….

  3. alam mo dapat hindi kau nagpost ng gnyan.. ang sama mo.. sa tingin mo ba sa mga gngwa mo at sinasabi mong yan, masasabi mo ba sa sarili mo na ikaw ay isang taong tunay na malinis.. humarp k muna sa salamin.,.. alamin mo muna kung sino ka!!!!

  4. awts naman yn…
    I LOVE YOU WILLIE…
    MAHAL KITA…
    PAKASALAN MO NA AKO…
    PLS WILLIE…
    I LOVE YOU TLGA…
    MAMATAY NA MGA NANINIRA SAYO…

  5. haha..pare pareho nman tlaga ang tao’ my gnagawang mali at tama..masasabi ko lang sa gumawa nito, hanep’ ka chief hehe..galing mo gumawa ng ads!!! subalit d mo inisip kung ano meron sa gnawa mo..alam mo bang magaling ka…magaling ka sa kmalian mo, sana pg gumawa ka ulit ng ads pgbutihan mo nman, ung walang sayad…para nman sa mga ng leave ng comment… be NEUTRAL lang po…walang kampihan, hahahahaha… “ang pikon ay laging talo”

  6. aNg KaPal KyA nANG mUkAH Ni wIlLIe nO OffEnSe PeWO I HAte hIm cOZ’ iN MANy RIsOnZ…. kayA Sa lhAT NanG MAy AYaw kAY wiLLiE SaBaYaN nYo akO KuManTA nG ”wiLlIe sOnG” e2 Na:

    “WOwOwEe TalAGanG Di mO KmI mABiBiRo PagKat ANg TAo gANyan LANg, perO HiNdI BoBo”
    “WoWoWeE TalAgAnG tAlo ANg WOwOweE PaGdIkAYo TuMuGiL kAyo’y tALagANG MahUhUli”
    ”WOwoWE Ma nGa KasoNg iYoNg iTiNabI bABaliK riN yAN, oOhH bABaliK rIn yan SaYo wIlLiE”
    ”UmAyOs k NmAN wiLLiE bAKa’t kARmA SaUnG DuMatInG……… YeAH bABy……”

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.