(Stop Killing Journalists)
Bawat letra at titik inihahandog sa ’yo,
Upang iyong mabatid ang mga punglo’t bangkay;
Na nagdusa ng pait kapalit ang prinsipyo.
Ngunit sa dakong huli’y peryodista’y hinimlay—
Sa puntod ng tigatig bayani silang tunay,
Sa lapida’y may ukit alaalang totoo.
Inidolo ang akdang mabangis na totoo,
Tarikan na salita ay laan para sa ’yo.
Mailigtas ang madla at maralitang tunay;
Laban sa lason, sumpa at kamandag ng bangkay
Nitong mga banyagang hangad silang ihimlay,
Dahil kan’lang giniba ang bulaang prinsipyo.
Dugo ba ang katumbas nitong aming prinsipyo?
Hangad lamang ilabas ang balitang totoo,
Bulag na ba ang batas at waring nakahimlay?
Ang pluma’y inuutas na dahil lamang sa ’yo–
At kami’y dinarahas, binibilang ang bangkay,
Mula sa mga ahas maninikil na tunay.
Bakas nila’y sinundan waring aninong tunay,
Kahapon lamang tambal matatag na prinsipyo;
Ngayo’y may alingawngaw mga banta ng bangkay.
At nang ako’y sumigaw sumulat ng totoo,
Karaka’y binusalan ang panulat ko sa ’yo;
Tinta’t pluma’y binuwal ang diwa’y nakahimlay.
At ngayo’y ibinilanggo sa karsel inihimlay,
Sinugatan ang pusong may tanikalang tunay.
O yaring pagkahapo’y dili ba’t galing sa ’yo?
Ibig ipagkanulo ang doktrina’t prinsipyo,
Pero nasa kamao ang dangal ng totoo;
Upang ang pagkatao’y di maging isang bangkay.
Sa kabilang piitan minasdan itong bangkay,
Sa dakong may guwang muling may ihihimlay;
Hindi lang walo, siyam ang nasawing tooo.
Di ko na rin mabilang ang trinaydor na tunay,
Unti-unting tinanggal pagkatao’t prinsipyo;
Ngunit di mapapaslang pagtitiwala sa ’yo.
At kung sakaling bangkay akong haharap sa ’yo—
H’wag mo sanang ihimlay adhikaing totoo,
Ang peryodistang tunay may akdang maprinsipyo.
qng ikay may problema, xa ang lpitan
aqo’y nakati2yak, ikay matutulungan
sa hirap ng buhay xa ay maasahan
sa lahat ng bagay ika’y maxaxamahan
kaibigan yan ang nais sabihin
isang kapamilyang maituturing
sa isng kpatid ay maihahambing
dhil sa tulong nia lhat ay kakayanin
labis-labis ang aqing kasihayahan
dahil aqoh ay may mga tunay na kaibigan
nah sa aqn ay nagpapaligaya
nagpapalimut ng sangkatambak nah problema..
sa poong maykapal panay ang papasalamat
pagkat aqoy biniyayaan ng mga taong tapat
naway lahat kam’y magxama-xama ng malwat
at khit kelan ay ndi magkawatak-watak..
~.. nuh poh sa tingin nio maganda poh bah xa?..
mhilig poh aqoh gumawa ng tula eh.. wala lng,
naeexpress qoh poh kc ung nararamdaman qoh..
ask quh lng poh kau qng maganda ung nagawa qoh,
tnx poh in advance.. godbless..
~.. galing niu poh gumawa ng tula.. kakainggit!..
ehehe.. ingats nlang poh lage..
~.. hir poh my contact #09213747492 -txt niu nman poh aqoh,
comment lng poh sa ginawa qoh..
bhengzie_saruh30@yahoo.com– yan nman poh email add quh..
tnx ulet..