“Ondoy”,
supling ka raw ng mga pinsala
sa mga hanggan at pagitan ng mga panahon.
Kaninong mga bunganga kung gayon
ang nagbuga at nagsabog ng kamandag sa kalangitan?
Tanungin natin ang mga tsimneya
ng mga pabrikang buong yabang na nakatindig
sa lupa ng bansang hindi kanila.
Sinasabi nilang ang mataas na baha’y inianak
ng dami ng tubig na iyong ibinuhos.
Ngunit sino ang nagtarak ng dambuhalang mga gusali
sa dapat sana’y daraanan ng tubig?
Kaninong de-kuryenteng mga lagari
ang kumalbo sa kagubatan?
Tanungin natin ang mga lukbutang ang tanging ninanais
ay mapuno ng salapi.

Alexander Martin Remollino

Alexander Martin Remollino was Tinig.com's associate editor. He was a poet, essayist, and journalist. He also wrote some short fiction.

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.