ang bagyong milenyo
na sa maynila nag dulot ng dilubyo
dahil maraming tao ang namatay dito
ihip ng hangin nya walang sinasanto
kayang pabagsakin kahit bahay na bato

pati nga billboard na malaki
sa hangin nya ay walang sinabi
pagkat mga bakal nito’y nagkabali bali
para bang manipis na tingting
isang ihip lang ng hangin ay kaya tangayin

bawat nadadaan nyang bahay
mayroon na mamatay
dahil na tatabunan ng buhay
bata,matanda,iniiwan nyang nakahandusay

wala talaga syang pinatawad
dahil bagsik nya kanyang sinagad
pero nga tao isang lang ang hangad
ito’y makailag sa bubong na lumilipad

hangin nya ay bahagyang humina
ngunit ang maynila lubog parin sa baha
at si milenyo papaalis na sa bansa
mga tao sa maynila ay tuwang-tuwa
kasi wala na ang dilubyong mapanira

Leave a comment

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.