tatlong talampakang. Protesta.
sangyutang hibla. ng Karanasan.
makintab. na Patalastas. ng Katuwiran.

basahin. ang lipunan. nagkalat.
ang mga tuldok. sa maling Lansangan.
Buhok. hindi Baril. ang aking tangan.

Join the Conversation

2 Comments

  1. …magandang araw. nakita ko sa iyong tula ang kapangyarihan ng tuldok!!! pinalipad mo ang isipan ko sa mga lansangan at balisbisang niyapakan sa ngalan ng protesta at pakikibaka. mga lansangang dapat sana’y malayang binabaybay patungo sa luklukan ng kapangyarihan…

    hindi nga ganoon ang lipunan sa ngayon, nakikita ko rin at nababasa ang lipunan kung paano mo ito nakikita…nagkalat ang mga tuldok sa maling lugar at lansangan. Bawa’t kanto ay may nakaharang na militar…pilit tinutuldukan ang malayang daloy ng kalayaan….pasasaan ba at darating din ang panahon na tayo naman ang gagamit sa huling tuldok sa tamang lugar at paraan- ang tuldok na iyon ay ilalagay natin mismo sa Malakanyang. . . hudyat na tinatapos na natin ang paghahari ng iilan.

  2. Maganda ang tunay na uri ng ugat na pinaghuhugutan ng iyong mga malalalim na mga paniniwala na kumakalikaw sa iyong dalawang mala-agilang mga mata— na nagtutulak sa iyong walang tigil at nag-aalab at malikot na mga kamay ng tinta— nang umuusok at umuurirat at umaalulong na mga panulat! Mabuhay ka kaibigan! Ipagpatuloy ang Laban ng Pag-ibig at Pagmamahal sa Kapuwa! –penpen http://exposureroom.com/members/PenPenPoems.aspx/assets/3470a808beeb4ee79ae2136e208af598/

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.