Sa paggising ko’y ikaw na nga
Ang iniisip ko sa t’wina
Para sa ‘yo ang paghihirap
Sa isip ko’y ika’y kausap

Ikaw talaga’y aking mahal
Pero ika’y napakamahal
Dahil sa ‘yo nabulag ako
Larawan mo’y nasa isip ko

Pinag-iisipang maiigi
Paano kita makatabi
Sa puso ko ay ikaw lamang
Minimithi at ginagalang

Ang balat mo’y napakakinis
Katawa’y perpekto ang hugis
Nahulog talaga sa iyo
Dahil ang puso mo ay puro

Ikaw ay pinag-aagawan
Hindi ka pa pinagsawaan
Mas maganda ka pa sa buwan
Kailanma’y di ka iiwanan

Hindi kita ipagpapalit
Dahil wala kang lasang pait
Gutom ko’y iyong pinapawi
“Cheese Burger” aking minimithi

Cristoper Tagalog

gwapo lang po at matalino....

Join the Conversation

4 Comments

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.