Sana ngayong Pasko ay malimot lahat
Aking nadaramang mga paghihirap;
Sa dakilang araw ng Tagapagligtas
Nawa itong puso lumigayang ganap.

Sana ngayong Pasko magawang alisin,
Takot at pangamba sa aking damdamin;
Ilang Pasko na ba luha ang kapiling?
Ilang Pasko na bang lumuha’t nanimdim?

Sana ngayong Pasko ay aking makamit,
Ang lahat ng bagay na ninanais;
Sana ngayong Pasko muling manumbalik,
Ang sigla at saya ng aking paligid.

Sana ngayong Pasko aking matagpuan,
Ang lahat ng sagot sa ‘king katanungan.
Sana ay matapos aking paghihintay,
Upang lumigaya itong aking buhay.

Sana ngayong Pasko magawang magsaya,
Magawang malimot ang mga problema.
Tangi kong dalangin sa mahal na Ama,
Sana ngayong Pasko maging maligaya.

mike

Si Michael ay isang OFW sa South Korea. Kasalukuyan siyang head servant ng Baran Emmaus Filipino Community at regular na contributor sa mga newsletter sa Korea. Nagwagi siya ng unang gantimpala sa 2008...

Join the Conversation

3 Comments

  1. Sa bawat paglasap sa mundo ng sakit
    sa dakong hulihan ang tamis ang palit
    kaya ‘wag mawalan, liwanag sa isip
    sapagkat nandiyan ang diyos sa langit.

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.