Mabubuhay Ka sa P41.25 sa Isang Araw, ayon sa National Statistical Coordination Board

Sampung pisong pisbol ang kainin sa almusal.
Sampung pisong pisbol ang kainin sa tanghalian.
Sampung pisong pisbol ang kainin sa hapunan.
Sa halagang P30, lubos nang matutugunan
ang pangangailangang kumain
nang tatlong beses sa isang araw.

Para naman sa “panulak”,
mabibili sa sampung piso
ang pinakamaliit na bote ng mineral water.
Matutong magtipid at kakasya sa maghapon
ang 350 ml na tubig.

‘Yang matitirang P1.25 ay huwag balewalain:
kapag nagmarakulyo ang sikmura
at ayaw kang patulugin pagdating ng gabi —
lamang-tiyan din ‘yan,
lamang-tiyan din ‘yan.

2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.