August 23 update: Ini-extend natin indefinitely ang contest na ito.
Ayon kay Gat Jose Rizal, na ang kaarawan ay ipinagdiwang natin kahapon, “ang hindi magmahal sa kanyang salita, mahigit sa hayop at malansang isda.” Ngunit sa panahong ito ng Twitter at iba pang makabagong kagamitan sa pandaigdigang komunikasyon, lalo na sa Internet, ano ang papel na ginagampanan ng ating sariling wika?
Sa kabila ng mga pag-aaral na nagpapakitang ang mother tongue ang pinakamabisang gamit sa pagtuturo, nagpupumilit pa rin ang ating mga opisyal na turuan ang mga mag-aaral gamit ang wikang banyaga. Kahit nakatadhana sa Konstitusyon ang paggamit ng Filipino bilang opisyal na wika, ang ating mga batas ay patuloy na ginagawa at isinusulat sa wikang di naiintindihan ng marami.
Hindi maitatangging muling nag-aalab ang damdaming makabayan sa puso ng mga Pilipino sa panahong ito. Nagiging popular ang mga temang nagpapakita sa ating mga sagisag. Iwinawagayway, isinusuot, ibinabandila natin ang ating watawat. Sa gitna ng lahat ng ito, nasaan ang pagsusulong sa ating mga wika?
Ngunit sa gitna ng patuloy na exudos ng ating mga kababayan upang manilbihan sa ibang lupain, nagiging pangangailangan ang pag-aaral ng ibang mga salita. Sa patuloy na pag-unlad ng call center industry na nagdadala ng trabaho at naglalagay ng pera sa bulsa ng maraming kabataang Pilipino, muling nagiging kaakit-akit ang tunog ng kolonyal na salita.
At sa isang daigdig na patuloy na pinaliliit ng makabagong teknolohiya, tila kailangang yakapin ang wikang di taal na atin upang maintindihan tayo mga nasa kabilang dulo ng mundo.
Sa usapin ng wika, paano mapagsasalubong ang kalagahan ng pagpapanatili sa ating kaluluwa’t pagkakakilanlan bilang isang bansa at ang mga praktikal na pangangailangan?
Inaanyayahan namin kayong makiisa sa dalawang buwang paligsahan ng Tinig.com na tatalakay sa kahalagahan ng Wikang Filipino at iba pang mga wikang lokal ng Pilipinas sa ating makabagong panahon. Ibahagi ang inyong saloobin sa usaping ito, at amin itong ilalathala sa Tinig.com. Maaari pa kayong manalo ng mga premyo.
Mga tuntunin
- Magrehistro lamang sa Tinig.com kung hindi pa miyembro.
- Sumulat ng inyong opinyon sa paksa at i-submit sa Tinig.com.
- Tatanggapin namin ang mga artikulo sa Filipino/Tagalog na may habang 500 hanggang 700 salita.
- Di pa dapat nalathala sa ibang publikasyon, website, o blog ang isa-submit na entry.
- Pipiliin ng mga patnugot ng Tinig.com ang mahuhusay na lahok at ilalathala ang mga ito sa Tinig.com.
- Ang patnugutan ng Tinig.com ang pipili ng mga pinakamahuhusay na lahok. Iaanunsiyo ang mga mananalo sa Agosto 19, 2009.
- Nasa Tinig.com ang karapatang baguhin ang anumang aspeto ng paligsahang ito.
Mga premyo:
- isang prepaid mobile broadband modem
- libreng isang taong domain registration at site hosting
- mga libro ni Bob Ong.
Sisikapin naming madagdagan pa ang mga premyo. Kung nais ninyong mag-sponsor, sumulat lamang sa ederic[at]tinig[dot]com.
Kailangan ng Font na may Baybayin glyphs sa opisyal na Unicode Range, para mabasa ang aking komento sa tunay na wika na sa aking pananaw (at ng mga iba pa) na tinutukoy ni Gat Jose Rizal. Pero ito ay mababasa sa aking blog (i-click ang aking pangalan dito)
—
????? ??????? contest ??? ??? ?? ?????? ????? ?????
???? ????? ? ??? ????? ???? ? ????? blog? ????? ? ?????? ? ??? ?????????? ?? ??? ???? ????? ??? ??? ????? ????? ???????? ? ?????????
??? ??? ? ???????? ????? ? ????? ??? ????????? ??? ?? ????? ???????? ? ????? ???? ????? ???????? ?? ?????? ? ????????? ??? ?????????? ?? ????? ??? ??? ????????? ? ?????? ? ?????????? ??? ?? ????????? ??? ???? ???? ??? ???????? ? ??? ??? Latin ? ?????????
?? ???? ????? ???????? ??? ???? ???? ? ??? ??? ???????? ? ???????? ??? ?????? ? Latin? ????? ??? ??? ????? ? ?????????? ?? ??? ???? ??????
?????????? ??? ??? ??? ??????????? ?????? ??? ??? ????? ???? ????? ??? ?????? ? ???? ??????? ????? ???????? ??? ? ?????? ???????? ? ?? ?????? ??????????? ????????????? ??? ???? ????-???? ??
??????????? ???? ???? ??? ??? ??? ??????????
naks!
iparagan mo nga iho (iho salitang kastila nga pala un..) ato (para pinoy na pinoy) ang iyong panloob na damit at hindi magandang tingnan sa suot mong uniporme..
paano mag sumite ng entry,,,bago lng kc ako??need help