Welga… welga… welga… laging sa kalsada,
Hudyat ng suporta sa kilos-protesta
Ang mga welgista nagtungong Mendiola.
Kan’lang kinundena itong pulitika,
Presidente Gloria dapat ibasura
Welga… welga… welga…laging sa kalsada.
Mga aktibista anupa’t may gera
Dala’y bandila, mga karatula
Ang mga welgista nagtungong Mendiola.
At nang mamahala si Pangulong Gloria
Maraming umalma; baya’y umapela
Welga… welga… welga…laging sa kalsada.
Nang aking makita dalawang puwersa,
Panig ng pulisya’t grupong makamasa
Ang mga welgista nagtungong Mendiola.
Suntok, tadyak, sipa kapalit ang laya
Ang bilanggong madla nais makawala;
Welga… welga… welga… laging sa kalsada
Ang mga welgista nagtungong Mendiola.

Putol po ang tula…may ilang linya na di naisama.
Salamat
hahaha…………… masasabi ko na kulang nga ang tula ngunit di na rin masama