Sigurado akong nabalitaan na nilang ayaw ng mga mamamayan na baguhin ang Saligang Batas, lalo na sa ngayon.

Malamang, nabasa na nila sa mga balita na hindi pabor ang taumbayan sa constituent assembly bilang pamamaraan ng pagbabago ng konstitusyon, kung sakali mang makumbinsi ang mga tao na kailangan ngang mag-chacha.

Nasa ibang planeta sila kung di pa nila nalalamang naniniwala ang mga Pilipino na ang Charter change ngayon ay may layuning palawigin ang dapat ay matagal nang natapos na termino ni Gloria Arroyo.

Kinatawan sila ng mga mamamayan, kaya naman sa ideal na mundo, dapat ay sinasalamin ng kanilang mga kilos ang pulso ng bayan.

Ngunit kanina, ipinasa ng House of Representatives ang House Resolution 1109 na naglalayong gawing constituent assembly ang Kongreso. Wika nga ni Kabataan Party Rep. Mong Palatino, mas masahol pa ito sa Hayden Kho scandal.

Nakakahiya kung tutuusin.

Pero ano mga ba ang hiya? Wala ito sa bokabularyo nila.

(Unang nalathala sa ederic@cyberspace)

Ederic Penaflor Eder

Si Ederic ay founding editor ng Tinig.com. Nagtapos siya ng peryodismo sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, isa siyang manggagawa sa technology, media, and telecommunication industry. Mababasa rin ang...

Join the Conversation

3 Comments

  1. Ang hiya kasi, depende sa pagpapahalaga. Kung ang hiya ay kapalit ng mas maraming biyaya, pipiliin ng ilan ang biyaya. Pero sa ating mga kapus-palad na hindi naaambunan ng biyaya, wala nang mas mahalaga pa sa dangal o hiya.

    Salamat sa artikulo!

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.