Isang pagninilay sa dalawang dalagang Pilipina ng ating panahon.

I was having my dinner one night when the top stories of “TV Patrol World” struck me. Napakaganda ng resulta sa Bureau of Imigration incident na kinasangkutan ni Luli Macapagal Arroyo. Ito ay isang aral sa mga trabahador sa paliparan na gawin ang nararapat at huwag maging arogante sa mga pasaherong palabas o papasok ng bansa. Instant justice was served to Ms Aroyo as she was deprived of proper immigration service by an arrogant airport employee. Sibak kaagad ang bastos na empleyado. Ang galing ng justice system natin. Kudos!

Sa kabilang dako, si “Nicole” ay hindi lang binastos ng isang kapwa natin Pilipino. Bagkus siya ay ginahasa at itinapong parang baboy na walang saplot pang-ibaba ng mga dayuhan. This time, the justice secretary of the Department of Justice of the Philippines became lame and mute. Ironically, the justice secretary was lawyering for the four US servicemen. Masyadong mailap ang justisya sa pagkakataong ito, di tulad ng kay Luli na ang bilis.

Ang tanong:

What if si Luli ay anak lamang ng isang maglalako ng kamatis sa talipapa, masisibak kaya ang bastos na empleyado ng Bureau of Immigration?

What if si Nicole ay anak ng isang mayaman at maimpluwensyang tao o anak ng pangulo ng Pilipinas, ano kaya ang posisyon gobyerno? I am sure magiging mabilis ang hustisya!

Isang obserbasyon lamang ito ng isang nabuburyong na taga-Gitnang Silangan. Our justice system makes me puke! Makahigop na nga ng mainit na salabat at mabitbit ang armas na nagbubuga ng apoy tungong kanayunan.

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.