Nasa UST Central Library ako noon, OJT ko, nang naimbitahang magsalita sa isang seminar ang head librarian ng Reference Section. Habang nasa harapan siya ng computer at isinusulat ang kanyang seminar paper, bigla siyang napatigil at bumaling sa akin. Sabi niya, “Magsasalita ako tungkol sa job opportunities? Eh, mas marami nga ang bilang ng mga walang trabaho!” Wala akong naisagot, katulad niya’y napailing na rin lang ako.
Ano nga naman yon? Pipilitin niyang kumbinsihin ang mga nasa seminar na maraming trabahong naghihintay lang sa kanila, samantalang common knowledge na malaking bahagi ng populasyon ang unemployed.
Nasaan ang ugat noon? Maisisisi ba natin sa mga problema sa edukasyon? Sa usapang job qualifications kasi, kahit janitor ay kailangang tapos ng high school. Sa isang kalsada nga sa Guadalupe, may nakita akong ganito eh: “Wanted–English speaking yaya.” Hanep di ba? Doon pa lang, limitado na ang qualified mag-apply! Kaya nga napag-isip-isip kong maglugawan business na lang.
Ipinagmamalaki ng mga may hawak ng microphone (code name para sa mga opisyal ng gobyerno) na maraming call center jobs at medical transcription jobs ngayon! Dapat nating ipagmalaki na pinipili tayo ng mga karamihan ay foreign companies ng call centers dahil sa maraming kadahilan. Nai-chismis sa akin noong isang pader sa call center na napuntahan ko na isa raw sa mga dahilan kung kaya pinipili ang Pilipinas ay dahil sa, geographically speaking, maganda ang location natin–very accessible to other Asian countries. Sabi naman ng binging nakasenyasan ko, mas maganda raw mag-English ang mga Pilipino compared to Indians and other Asians. Isa pang pambobolang ipinalasa sa akin ng siopao na kinain ko: mataas daw ang English literacy, computer literacy, information literacy at ‘liter’ literacy ng mga Pilipino–duda ako kung hundred percent true ang chismis na ito. Mahaba pa ang listahan ng mga rason pero tinatamad na akong isulat lahat kaya makuntento na lang tayo sa top three!
Pero dapat nga bang ipagmalaki ang kasalukuyang nangyayaring ito? Kuntento na ba ang mga may hawak ng microphone sa ipinagmamayabang nila? Hindi ba dapat, gumagawa sila ng paraan na nakalikha ng mga trabahong makakatulong hindi lamang sa mga may “excellent spoken and written English communication skills, knowledge in different computer programs, effective marketing skills, strong data analysis and information gathering” at kung anu-ano pa?
Si sunset, 23, ay nagtapos ng Bachelor of Library and Information Science sa Philippine Normal University noong 2005 at nakapasa sa board for librarians nang taon ding iyon.
Sa kasalukuyan ay nagpipilit siyang magpaka-librarian at pinipiga ang utak sa kasusulat ng ayon sa isang nakabasa ay “kung anu-ano lang.”
Bukod sa libro, hilig din niya ang pagbababad sa dakila at kapaki-pakinabang na computer. inuubos ang oras sa Net surfing, pagme-maintain ng e-mail, Friendster at blogs at panonood ng mga movies (esp. korean movies).
yes tama ka tlaga pana nga magkkaroong ng experience ang ibang naghahanap ng work if d nman cla qualified. believe me sa mga cnbi you …
thanks
thats definitely true, dapat maraming trabaho para sa mga skill worker. mostly ng ating skill worker ay inaabuso, ninanakawan at niloloko. hope this coming year na maupo si noynoy magawan nia ng paraan. lets pray for the best nalang