Maraming kabataan ang nakiisa sa pagluluksa ng pamilya at mga kaibigan ni Danifel Campilan, reporter ng GMA-7. Sa pagpanaw ni Dan ay nalaman ng mas marami ang kanyang kuwento–kung paanong sa kabila ng kahirapan ay nagsikap siyang makapag-aral upang maitaguyod ang kanyang pamilya. Dala ng kanyang pagiging aktibista sa kampus, binigyan niya ng tinig sa pamamagitan ng kanyang mga ulat ang mga karaniwang tao, habang patuloy na sinusunod ang tungkuling magbalita nang patas. Sa isyung ito, nagbibigay-pugay ang Tinig.com kay Dan, na ang tinahak na landas ay nararapat gawing halimbawa ng iba pang mga kabataan.

Nagluksa rin ang kilusang bayan sa pagpanaw ni Bishop Alberto Ramento, dating pinakamataas na lider ng Simbahang Aglipayano, at kilalang tagapagsulong ng karapatang pantao at kritiko ng kasalukuyang rehimen. Mariing tinuligsa ng minamahal ng lider ang laganap pagpatay ng mga aktibista at mamamahayag sa Pilipinas. Sa kabila ng pagmamatigas ng pulisya na pinatay siya ng mga magnanakaw, naniniwala ang mga malalapit sa pinaslang na obispo na siya mismo ay biktima rin ng extrajudicial killing. Nakikiisa rin ang Tinig.com sa paghingi ng katarungan para kay Bishop Ramento.

Samantala, kamakailan ay ibinasura ng Katastaasang Hukuman ang petisyon ng Sigaw ng Bayan para sa people initiative, na naglalayong baguhin ang Saligang Batas upang maisalba ang bumubulusok na rehimeng Arroyo. Pagkatapos ng mga pagluluksa, may dahilan din para magdiwang.

Nagdiriwang din ang Tinig.com sa pagkakapanalo nina Vlad Gonzales, Patnugot sa Panitikan, at Mykel Andrada, kolumnista, sa Palanca Awards ngayong taon.

Patuloy rin tayong nakakatanggap ng mga sentimyento ng mga mag-aaral tungkol sa isyu ng paglobo ng populasyon ng Pilipinas. Sa isyung ito, ibinabahagi natin sa inyo ang ilan sa mga kontribusyong natanggap natin.

Sana, magsulat pa ang mga kabataan at mag-aaral tungkol sa iba’t ibang usapin sa ating bansa. Malugod naming iparirinig sa madla sa pamamagitan ng Tinig.com ang mga saloobing ito.


EDERIC P. EDER
Patnugot

Tinig.com

Isang e-zine para sa mga kabataang Pilipino ang Tinig.com. Naglalathala ito ng mga personal na sanaysay, tula, dula, maikling kuwento, balita at lathalain, komentaryo tungkol sa pambansang usapin, at iba...

Join the Conversation

1 Comment

  1. Ka Ederic,

    Pakiusap lang huwag mong tawagin ang sarili mo na “supremo” gaya ng sinabi ng yumaong ka Luis taruc isa lang ang supremo at iyan ay si “Kristo”.

    Kabubukas ko lang kanina ng Inquirer on line, bumulaga sa headline na nailibing na ang impeachment cmplaint. ‘Tang ina! nanggagalaiti ako sa inis, sa galit. Anak ng pokpok naman muli na naman namayani ang mga kampon ng dimonyo saan pa tayo magsusumbong saan pa tayo pupunta ito ang institusyon na dapat sana ay nag rerepresenta para sa kabutian ng bayan pero sila pa ang nagkakanlong sa dimonyong dilag. Lumong lumo na ako ka Ederic bakit ayaw magising ng ating mga kababayan sayang ang panahon ni kapurit na pag unlad wala tayong nahihita sa ‘tang inang dilag na yan. Gayun pa man magpapalipas muna ako ng kaburyungan shot mun ako ng “gin pomelo” at sigarilyong hope, bwiset.

    Salamat sa yo ka Ederic,

    Ka rust

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.