Isang karaniwang araw sa isang karaniwang unibersidad, sa isang pangkaraniwang klase, sa isang pangkaraniwang silid-aralan, bumisita ang isang Salamangkero. Salamangkero, iyon ang pagpapakilala niya sa sarili niya, pero walang sinuman sa loob ng pangkaraniwang silid-aralan ang naniwala sa kanyang pagpapakilala. Sa totoo lang, wala siyang espesyal na pisikalidad na magpapatotoong siya’y may kung anong mahika. At sa totoo lang, wala naman talagang pumapansin sa kanya, walang gustong makinig. Ang mahika’y isang malayong konsepto na para sa mga taong nasa silid, bukod pa sa nakalipas na ang maraming oras ng paglalabas-pasok sa napakaraming mga klase’t pagod na ang lahat para makinig o manood sa mga bagay na wala silang interes. Kung di pa naawa/ naintriga ang guro’y hindi na pinapasok ang bisita.

“Kumbinsihin mo kami.” Masungit ang tono ng isang estudyante. Tumango-tango ang guro’t mga kamag-aral.

Pinapikit ng salamangkero ang kanyang mga tagapanood. Pinapikit, ipinataboy ang liwanag sa mga mapanuring mata. Lumipas ang ilang segundo.

“Ngayon, kayo’y dumilat.” Malakas ang tinig-panggulat ng salamangkero. Dumilat ang lahat.

“Masdan ninyo, naglaho na mula sa mundo natin ang mga kaeskuwela ninyo.”

Tumingin-tingin sa paligid ang mga tagapanood. Pilit na tinandaan kung sino ang kanilang nasa kanan, kaliwa, harap, likod. Binalasa ng guro ang kanyang index cards, siniyasat ang listahan ng mga pangalan. Tila parang walang nawawala, parang wala namang pagbabago. Nagsisimula pa lang pumasok ang Hulyo, hindi pa kabisado ng bawat isa ang hubog ng mukha, amoy, pananalita’t porma ng kani-kanilang mga kasama. Pero nakasisiguro sila, walang sinumang kaibigan o kakilala ang nawala, walang anumang maliit na bakas ng pagbabago. Magkakasama pa rin sila’t isang malaking istorbo, isang malaking panloloko ang pag-aabang na makumbinsi ng bisitang Salamangkero.

“Nasasayang lang ang aming araw,” ang sabi ng isa.

“Walang pinag-iba sa napakaraming mga manloloko,” dagdag pa ng isa.

“Kung nagpatuloy na lang tayo sa ating leksyon, sana’y may natutunan pa tayo.”

Nauubos na ang pasensya ng mga tagapanood. Sumesenyas na sa kanyang relo ang guro. Muli, nakiusap ang salamangkero, isang sandaling pagpikit, at maipapakita niya, maipapamalas ng kanyang mahika ang totoo.

“Narito,” ang sigaw ng salamangkero pagkatapos ipabukas ang mga mata ng kanyang mga tagapanood, “narito ang inyong ama, ina, nobyo, nobya, asawa, kaibigan, kapatid, anak, narito ang lahat ng taong pinakaiingatan ninyo sa inyong mga kaloob-looban!”

Tatlong inuuod na katawan ang gumulat sa guro’t mga estudyante. Tatlong katawang batbat ng pagkaagnas. Tatlong piraso ng lamang sa pagkabulok ay wala nang pagkakakilanlan. Ang kataka-taka, walang anumang bakas ng nakasusukang alingasaw, walang tanda ng anumang baho ang mga nakatayong bangkay. Ang pagkagulat ay napalitan ng pagkainis, ng pag-uusisa.

“Aba, sino naman ang mga ito? Wala sa wangis nila ang kahit na sinong kakilala ko!”

“Walang amoy, wala na ring mata, ilong, wala nang hubog ang katawan! Baka halimaw o demonyo!”

“Oo, demonyo! Isang ilusyon! Isang panloloko!”

Biglang naglaho ang Salamangkero, kasama ng tatlong katawang inuuod. Kasabay ng kanilang pagkawala ang paglalaho ng kanilang alaala mula sa isip ng guro’t mga mag-aaral. Nagpatuloy ang klase sa kanilang leksyon, nagpatuloy sa pag-usad sa kanilang araw. Isang pangkaraniwang araw, isang mahaba, nakababagot, isang paulit-ulit na karaniwang araw. Samantala, sa isang tagong lugar sa unibersidad, nabuwal ang isang matandang puno. Walang sinumang nakarinig sa pagbagsak, walang sinumang nakakita ng pagkakalaglag.

Join the Conversation

73 Comments

  1. wow..xalamat at nagkaproject din aq sa filipino!!ahahaha..gawa ka pa ng iba para xeo nalang aq kuha..don’t worry…ilalagay q ung name mu…i will not commit plaigarsm..im not lyk that…xalamat ulet!!!Ãœ…âª

  2. salamat may project na ako!!. .

    d ko lang alam kung ano kinalamn ng puno sa story eh. . interesting nmn!!

  3. it seems like very weird, i like the story… but… i think it isn’t finish yet…

  4. the story is nice,

    but i don’t get it…

    really…

    i don’t understand!

    i mean, what’s the message???

    but anyway,

    imma’ use it in my filipino project… :p

  5. ngayon lang po ako nkabasa ng work nyo.
    ayos.
    nakakasisi na sinayang ko yung chance na matuto
    sa PanPil17 class naten.
    sorry ser! T_T

    -ge (king, panpil17, drop)

  6. … well! i find it very interesting..

    ….and i liked it very much, mejo mysterious ang dating pero maganda!

    …. hehehe more pah oplzzzzzzzzzzz

  7. maganda po yung kwente.,,,, pwede po b ng favor??? pwede po bang pa gawa ng talumpati po na ang pamagat po ay ” WIKANG FILIPINO SA AKADEMIKONG LARANGAN”,,, na hindi po hihigit sa 400 words,,,,,FINAL exam po kc namin yan thank you very much

  8. Maikling kwento ba ‘to?

    Ba’t ang haba-haba?

    Maikling kwento ay isang storya na maikli tungkol sa importanteng okasyon. (duh!)

  9. hehehehehehehh…

    medyo weird ang kwento,

    but its ok naman…

    dquh magetsz kung bakit nawala at

    kung anung ginagawa ng 3 inuuod na tao dun…

    whahahahha….

  10. panu bayan..kailangan ko ng sampung kwento..e kung ganito banaman kahahaba haba haba……..ng mga kwento..kahit na tinawag na maigsi..eh..matapos paba kaya ako nito. o.O”..kailangan tuloy mag tyaga ng todo todo!wala ng tulugan ‘to!-_-‘

  11. Napaisip ako hindi lang ng kwento kundi maging ng mga komento:
    (1) Tila ba walang tiyaga ang mga batang-mambabasa. Tila ba walang tunay na pagtangkilik, tunay na pag-appreciate. Na tila laru-laro lang.
    (2) Hindi bitin ang kwento. Sapat na ang haba ng mga linya. Na nangangailangan ng isang mas mataas na lebel ng pag-unawa, nga marahil, ng lubusang ma-aapreciate.
    (3) Sa akin lang, hayag na: Dinadala ng kwento ang mga mambabasa sa mga posibilidad ng ibang kairalan; na may pagkwestyon rin sa ginisnang realidad. Sa ginisnang realidad kung saan patuloy at patuloy lang ang tao sa kanyang pag-iral, dinadala tayo sa siwang ng iba pang realidad.

  12. sana maraming kuwentong pantasya ang lumabas sa tinig.com tulad ng tungkol sa mga ibang mundo o ibang nilalang…

  13. tnx. p0 tanung lng po anuh po bang year ang paglalathala nito? at anung uri ng panitikan po ito?????

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.