“Never translate your Filipino thoughts into English or vice versa,” sabi noon ng English teacher ko sa high school. Di raw maganda ang kalalabasan kapag ganun. Kung gagawa kami ng sanaysay o kahit ano mang sulatin, kung English dapat purong english unless may dapat na iquote. Ganun din sa Filipino. Huwag gumamit ng Taglish.

Bakit kaya nasabi ni M’aam yun? Alam ko naman ang dahilan (pero ‘di ko naman nai-apply dito sa inilalahad ko. Kung di ko ito ginawang Taglish, magiging matalinghaga ako). Ikaw, alam mo ba? Simple lang naman. Mahahasa ang ating kalinangan sa paggamit ng bawat lenguwahe kaysa paghaluin natin ito. Magiging aware tayo sa tenses, sa grammar at vocabulary . Sa English, bihasa ako. Sa totoo lang, nahihirapan akong Tagalugin ang aking mga thoughts. Nakita n’yo kung bakit kailangan ganun ang konsepto ni mam?

Natuto muna akong magsulat at magbasa sa English nung musmos pa lang ako. Mahigpit ang school ko noon. Filipino lang ang gamit namin pag Filipino subject. At kahit saan man kami pumunta sa school, dapat English pa rin ang gamit namin. Naalala ko, mayroong penalty ‘pag nahuli kang nag-Tagalog. May badge na ibibigay sa ‘yo ‘pag nahuli ka at mawawala lang ‘yun ‘pag nakahuli ka rin ng iba dahil ipapasa mo ito. Dapat by the end of the day, ‘ala na yun kasi magbabayad ka as penalty. Di ko nasubok magbayad pero natanggap ko yung badge. Ang ginagawa ko nun pag asa akin na yung badge, kinakausap ko yung mga kaklase ko sa Tagalog. ‘Pag sinagot nila ako sa Tagalog, eh di ligtas na ako. Nag-enjoy din ako sa set up na ganun. Nahasa talaga kami sa English at ang ganda pa ng diction namin. Yan ang ipinagmamalaki namin sa school ko.

Dahil nga English ang nakasanayan, sa English din nakasulat ang journal ko. Halos lahat ng mga librong binabasa ko ay English din. Siguro ang nobela lang na nabasa ko nun sa Filipino ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, maliban na lang nung nakapagtapos ako sa kolehiyo. Lahat ng mga karanasan ko simula nung Grade 6 ay matiyaga kong nire-record. Naaliw kasi ako dahil parang sa tinta ko nailalabas ang aking sarili, parang may salamin ako sa aking journal. Noon, halos arawan ang pagtatala ko. Nung magsimula na akong magkatrabaho ay madalang na. Nagsusulat lang ako kung kelan ko lang gusto. Pag minsan, ‘pag gusto kong balikan ang nakaraan, hinuhugot ko lang ang mga ito sa aking taguan.Napansin ko sa aking mga sinulat na marami pala akong alam na salita, pero kapos ako as Filipino kasi di ko naman ginamit ‘yun.

Napagtanto ko na kailangan ko rin palang linangin ang aking Filipino. Hindi kasi tama na magaling ako sa English tapos mahina ako sa ating sariling wika. Nung high school, mangilan-ngilan lang ang mga akda at alam kong salita sa Filipino. Subalit natuto akong magsulat ng mga sanaysay at dito naibubuhos ang mga saloobin ko nang walang halong English. Pero nangyayari lamang ‘yun pag may ipinapagawang assignment ang aking mga guro. Hindi pa rin kusang loob. Utusan mo akong gumawa ng kahit anong English na akda at msdali ko itong magagawa. Sana ganun din ako sa Filipino. Nakakarelate ba kayo sa kin? Marami sa atin ang mas sanay sa English magsulat.

Aaminin ko, hirap akong mag-express ng aking mga sulatin sa Filipino kasi di kami sinanay ng ganun nung elementary at high school. Gumagawa rin naman kami dati ng mga sulating pangwakas pero ‘pag Filipino class lang. Napakarami naming subjects nun at nag isa lang naman ang Filipino. Dapat ang H.E at Araling Panlipunan ay Filipino ang gamit pero English ang medium of instruction. At sa school, dalawa ang english subject, Grammar and Literature, samantalang sa Filipino ay pinagsama sa isa. Siempre, unfair di ba? Ngayon ko lang napansin ‘yun. Siguro ‘pag may may mag eevaluate ng gawa ko ngayon, bagsak na ako sa grammar.

Parehong maganda ang English at ang Filipino para sa akin. Pero paano natin makikita ang kagandahan nila kung sa simpleng mga sanaysay tulad nito ay ‘di ko man lang mailahad sa purong English or Filipino? Sa English, magagawa ko. Nakakahiya man pero sa Filipino ay hindi. Ano kaya masasabi sa aking ng mga guro ko sa Filipino?

Kailangan kong simulan at turuan ang sarili kong makapagbigay ng aking opinyon at mga pahayag sa Filipino. Mas masarap itong pakinggan. Mas magandang basahin. Ito ay sariling atin.

Sabi nga ng english teacher ko,” Never translate your Filipino thoughts into English or vice versa.” ‘Di raw maganda ang kalalabasan ‘ pag ganun. Huwag gumamit ng Taglish.

Si Mayumi, 25, ay mag- aaral sa umaga at empleyado sa gabi.

Join the Conversation

4 Comments

  1. baligtad naman tayo ng problema, kaya kong magsulat sa tagalog kahit antok na antok pa ako. sa ingles naman, hirap na hirap ako kaya laging may mali sa grammar o kaya sa spelling ko pag nagsusulat.
    ganoon nga siguro kapag hindi nakasanayang gamitin ang lenggwahe. laging may mali:) pero ok lang iyon. ang iba nga ingles lang ang alam, hirap pang kumatha ng artik. ang importante naman ay ang nilalaman ng artik.

    sa artik mo, parang bihasa ka naman sa tagalog.

  2. Okey ang sinabi mo kailangan pareho tayong compitent sa dalawang wika: Ingles at Filipino, Yung una, kailangan magaling sa Ingles para yung mga Amerikanong Inglesero hindi tayo tarantaduhin at yung mga Pilipinong Inglesero rin na mahilig ring manarantado (katulad ng politiko) sa pangalawa, Filipino, kasi ito ang wika ng mamamayan, saka pag nagsasalita sa Filipino ang totoo mas maraming tagapakinig.
    Sa nabasa ko sayo palagay ko mas magiging magaling ka pa sa pagsulat sa Filipino.
    Congrats!

  3. Pingback: Anonymous
  4. may naalala lang ako

    dati may joke akong nabasa

    ung pinoy naka kita ng kano
    tapos kinausap niya ng ingles
    tapos sinagot siya ng tagalog

    parang hindi joke diba kahihiyan

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.