Dahil ilang buwan ulit na nawala ang Tinig.com, sa isyung ito ay pinagsama-sama namin ang mga naipon at piling piyesa mula nang huli ninyo kaming marinig. Maibigan sana ninyo ang isinulat ng mga kapwa natin kabataan tungkol sa sari-saring usapin mula sa paghihintay sa minamahal na nagloloko hanggang sa pagsusulat sa Taglish.

Samantala, sa mga nakalipas na buwan, matapos bawiin ni Gloria Arroyo ang Proclamation 1017 ay naibasura ang parusang kamatayan. Tila magandang balita para sa mga nagtataguyod ng karapatang pantao, subalit hinalinhan naman ito ng pagpapatuloy at lalong pagtindi ng mga pagdukot at pagpatay sa mga aktibista.

Mula Enero hanggang Hulyo, nakapagtala ang grupong Karapatan ng 717 na kaso ng extra-judicial killings. Mahigit 300 sa mga ito mga organisadong aktibista, at kabilang sa mga nabiktima na ang mga kabataang lider na sina Cris Hugo at Rei Mon Guran na kapwa taga-Kabikulan–ang tahanan din ng ngayo’y nagmamarakulyong Bulkang Mayon.

Habang umaalma ang Mayon at winawasak ng Israel ang Lebanon, inuubos naman ng pinaniniwalaang mga galamay ng Estado ang mga aktibista sa Pilipinas. Di ba’t nakababahala ang ganitong kalagayan?

Bukod sa Hello Garci controvery at fertilizer scam, ang kabiguang mapigil ang mga pagpatay ang isa sa mga grounds for impeachment na ihinain laban kay Arroyo sa House of Representatives.

At habang hinintay natin kung paano ibabasura ng mga pinatabang kongresista ang impeachment, ang pagdating ng mga luhaang OFW mula sa Lebanon, at ang kalalabasan ng pagbabanta ng Mayon, pasadahan muna natin ang Tinig.com v47.


EDERIC P. EDER
Patnugot

Tinig.com

Isang e-zine para sa mga kabataang Pilipino ang Tinig.com. Naglalathala ito ng mga personal na sanaysay, tula, dula, maikling kuwento, balita at lathalain, komentaryo tungkol sa pambansang usapin, at iba...

Join the Conversation

1 Comment

  1. mapgpalayang pagbati po , patindihin natin ang pagoorganisa na walang humpay.natuloy ba kitakits…

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.