Bagong lipat kami dito sa San Andres. Sabi ni Nanay, wala na daw kasing trabaho si Tatay. Nagnakaw daw kasi siya ng asin sa pabrikang pinagtatrabahuhan niya. Marami pa man din akong kaibigan doon sa bahay namin sa Pasig, doon sa may ilog. Sa totoo lang, pagod na pagod na ako, laylay na ang lahat ng bahagi ng katawan ko sa kalilipat namin ng bahay.

Panglima na naming lipat ito, at sa bawat pag-alis namin sa mga dati naming tirahan ay lagi kong tanong kay Nanay, “Nay, bakit na naman tayo lilipat?” Iba-iba rin yung dahilan niya, kesyo sinisingil na siya sa utang namin sa tindahan, may nakaaway sila, basta madami.

Hindi man kapani-paniwala ay wala akong ideya kung ilang taong gulang na ako, pero bata pa lamang ako ay marami na akong kayang gawin, kaya kong maging bituin at lumipad. Oo, lumipad sa kalawakan at kamustahin ang mga tao doon. Minsan pa ako’y nagiging puso, at kaya kong gawing letra ang sarili ko, minsan nga’y naiisip ko na hindi ako pangkaraniwang bata. Kaya ko rin kasing mag-iba-iba ng kulay, mag-iba ng lapad, laki at iba pang mga bagay na hindi nagagawa ng mga batang pangkaraniwan. Ganyan ako kagaling palipat-lipat, paikot-ikot, paiba-iba.

Noong isang gabi lang kami lumipat dito, mas maliit nga itong bahay namin ngayon kaysa yung sa dati pero ayos na rin kaysa sa wala. Sabi nila, masaya naman daw dito, kaya lang ang baho kasi nangangamoy yung creek na punong-puno ng basura at saka yung mga pusaling dinadaanan ng malalaking daga, tapos sumama pa ang amoy ng mga lasinggerong ‘di naliligo. Ang hirap talagang magpalipat-lipat ng bahay. May mga tanim din ng malunggay, talbos ng kamote at papaya sa tabi ng bahay namin at may isa ring matayog na puno ng balete. Ayon sa mga tao dito, marami na daw ang namatay sa harap ng punong iyon pero hindi pa rin ako natatakot kasi kasama ko naman si Nanay, at sa isang misteryosong eskinita sa may tindahan ni Aling Georgia ay may kakaibang tao daw na nais kong puntahan kahit pinagbabawalan ako nina Nanay at Tatay.

Maaga akong nakatulog kagabi, maaga rin akong nagising. Agad akong bumili ng pandesal sa mamang naglalako at ipinagtimpla ng kape si Nanay. Si Tatay naman ay maagang umalis para maghanap ng bagong trabaho. Habang naglalaba si Nanay sa harap ng bahay naming nalilimliman ng matayog na puno ng balete, ako naman ay umupo sa ilalim ng puno. Napansin ko na may nakaukit na pangalang Omag sa katawan ng puno.

Omag? Hindi ko alam kung tao ba ito, hayop, o bagay. Matapos maglaba ni Nanay ay pumapasok na siya sa bahay namin, ngunit ako ay naiwan sa ilalim ng puno at pilit binubuo ang mga palaisipang nakaukit sa puno mayroon din kasing nakaukit na larawan ng isang dahon at isang bilog. Nakakuha ako ng pagkakataon na makapaglakad-lakad sa kalye malapit sa aming bahay at nakita ko ang isang matandang babae sa bintana ng kaniyang lumang tirahan. Agad akong nagtanong sa aleng nagtitinda ng palamig at bananacue sa tapat ng lumang bahay.

“Ale, ale, maaari po bang magtanong? Sino po ba yung matandang babaeng iyon?” itinuro ko ang matandang babae at ako’y sinagot ng ale, “A siya ba iho? Siya si Tandang Celia, dating kapitana ng San Andres, alam mo ba na simula nang mamatay ang anak niyang si Omag ay…”

“Omag? Omag po ba ang sinabi niyo?”

“Oo, Omag ang pangalan ng kaniyang anak na pinatay ng mga tao sa eskinitang malapit sa tindahan ni Aling Georgia, hindi ko alam kung ano ang dahilan, marahil ay si Tandang Celia lamang ang nakakaalam ng tunay na ikinamatay ni Omag, simula noon ay lagi nang balisa na dumudungaw ang matanda sa bintana ng kanyang bahay.”

Matapos malaman ang tungkol kay Tandang Celia ay nagmadali akong umuwi hanggang sa nasalubong ko si Nanay na kanina pa pala ako hinahanap dahil kakain na kami. Sabay kaming umuwi ni nanay habang may bumabagabag sa aking kaisipan ang mag-inang Omag at Tandang Celia. Matapos mananghalian ay nagpaalam ako kay nanay na lalabas lang ako sandali, tumungo ako sa bahay ni Tandang Celia upang malaman ang katotohanan tungkol kay Omag. Nakita kong bukas ang pintuan kaya naman nagmadali akong pumasok at nakita ko ang malungkot na si Tandang Celia.

Napansin agad niya ang aking pagpasok kaya naman ako’y agad na nagpakilala at ‘di nag-alinlangang nagtanong tungkol kay Omag. Nalaman ko na si Omag ay bigla na lang nawala dahil sa pagnanais niyang iligtas ang kaniyang asawang si Kitlas na pinaniniwalaang dinakip ng mga di-pangkaraniwang tao. Nabatid ko na ang mga nakaukit na larawan sa katawan ng puno ng balete malapit sa aming bahay ay pawang likha ni Kitlas.

“Sundin mo ang iyong puso”, ang sambit ni Tandang Celia sa akin matapos niya akong kuwentuhan tungkol sa kaniyang anak. Hindi ko namalayan ang oras, tila maggagabi na pala. Habang ako’y pauwi na ay napadaan ako sa tindahan ni Aling Georgia, sinilip ko ang misteryosong eskinita, papasok na ako sa eskinita nang nakita ako ni tatay. “Hindi ba’t pinagbawalan ka na namin ng nanay mo na huwag pumunta sa eskinitang yan! Umuwi na tayo!”. Hindi ko maintindihan kung bakit sobra ang aking pagnanais na pumasok sa eskinitang iyon, parang may tumutulak sa akin.

Alas-dos ng madaling-araw nang ako’y nagplanong tumungo sa eskinita, dahan-dahan akong lumabas ng aming bahay at tumuloy na sa eskinita. Kakaibang lamig ang bumalot sa akin at kakaibang saya ang aking nadama habang binabaybay ko ang eskinita. Sa dulo nito ay isang lumang pabrika, doon ay may nakita akong isang batang katulad ko, nag-iiba-iba rin siya ng anyo at porma. Kinausap ko siya at sinabi niya na tulad ko hindi rin niya alam kong ilang taon na siya at kung saan siya nanggaling.

“Dito ko natagpuan ang tunay kong pamilya, bata.” Agad kong hinanap ang tinutukoy niyang pamilya. Tinungo ko ang loob ng pabrika at nakita ko ang madaming nilalang na katulad ko, ako’y naiyak sa tuwa nang malaman kong may mga kauri pala ako sa lugar na ito. Isang lalaki ang kumausap sa akin: “Ako si Omag. Bumalik ka sa iyong mga magulang at magpaalam ka na dahil kami ang tunay mong pamilya.” Kasunod ng sinabi ni Omag ang isang nakasisilaw na liwanag na nagdala sa akin sa aming bahay.

Napagdesisyunan ko na idaan na lamang sa liham ang aking pamamaalam. Iniwan ko ito sa lamesang malapit sa aking higaan. Tumungo ako sa silid nila nanay at tatay at hinalikan ko ang noo nila, pawang pagpapadama ng lungkot ng aking pag-alis. Tanging kalungkutan ng paglisan sa aking pamilya ang dala-dala ko. Dumaan muna ako sa bahay ni Tandang Celia upang sabihin ang lahat ngunit isang kahoy na may sulat na “HOUSE FOR SALE” ang nakasabit sa pintuan. Umalis na yata si Tandang Celia.

“Nay at Tay, pasensya na kung hindi na ako nakapagpaalam nang personal ayoko na po kasing makita kayong nasasaktan. Sumama na po ako sa tunay kong pamilya, sa mga taong matagal na ninyong hindi iminulat sa aking isipan. Sana po’y mapatawad ninyo ako sa aking ginawa.”

Matapos basahin ng aking mga magulang ang aking liham ay agad na naalala ni Tatay ang mga bagay na matagal na nilang itinago sa akin. Si Nanay pala ang naging bunga ng pagmamahalan nina Omag at Kitlas. “Sana sa lugar na pupuntahan ng ating anak ay mahanap niya ang kaligayahang ipinagkait natin sa kaniya.” Biglang sumagi sa isip ni Nanay ang tanda ng aming lahi na nakabaon sa ilalim ng puno ng papaya sa gilid ng aming bahay. Doon nakabaon ang isang makapal na puting goma, ang simbolo ng aming pamilya.

Akala ko noon ay isang kuwento lamang sina Omag at Kitlas. Hindi ko inakalang magkakalahi pala kami. Siguro nga’y tama ang naging desisyon ko dahil sa lugar na ito ay nahanap ko ang tunay na kasiyahan sa piling ng aking mga kalahi, sa dimensyong malayo sa diskriminasyon, sa lugar kung saan ako’y kabilang.

Si Jose ay nagtapos ng high school sa St. Anthony Nova School sa Amparo Village, Caloocan City.

Join the Conversation

36 Comments

  1. nakuh! d q maintindihan ang kwen2…. kala q biro Pro ba’t may nkalagay pa sa huli na gumradw8 xa ng high school? paano niya naiiba iba ang anU nia? paki email nU naman po aq… gus2 q talaga xang maintindihan….. napapaisip talaga aq…… salamat..

  2. So Great… Maraming mysteries.. Adventure.. Mga nagawa nang book report sa filipino. Ito kuwain nyo.. Hehehehe ^^,

  3. WOW… MAgANDA xa.. kaso di MaXAdonG MaintINDIHAN kUNG BAKiT bGLanG may mga tAOnG iBANg URi ang katauhan

  4. so weird… can’t understand! tao ba siya or what? is it a true story? please e-mail me!

  5. heLow poh..magandang araw..

    hindi ko poh magets..

    sayang..ganda ng title para sa project sa filipinO..

  6. maganda pu ung kwento!!!! kaso, until now im wondering kung anong lahi nila…
    kung ano uri kaya… hindi nman pwedeng kahon??
    kc mukhang tao cla, ah alam ko n!!!!
    lastikman… hehehehe

  7. sayang nmn ung mga dumadaan d2 sa site n 2
    kabobobo…. lastikman lng d p alam…
    hehehehe

  8. aRuoH,, dYos kuH,, kuKey pLa 2 aH,, ma22wa teAchEr ko sa FiLipinO pag NbasAh pRojecT ko,,
    hahahaha,, kua??? riL Lyf sTory po Ba 2?
    e- maiL mo nmn s Kin oH,, tnx,,,,,,,,, ^______________________________________^

  9. Ei. i JUST WANNA ASK. (COZ i TOOK MACKY’S ADViCE TO MAKE THiS MY BOOK REPORT iN FiLiPiNO iii.) WHAT’S THE LESSON iN THiS STORY? =))

    3 THUMBSUP

    =3

  10. di maarok ng isip ko.. favorite subject ko pa naman ang Filipino pero super power na ginamit ko rito.. ang lalim.. ano cia tikbalang????!!!!

  11. FAVOR?

    SiNO PWD MAG BiGAY NG FORMAT PARA SA BOOK REPORT?

    NEED iT. PLS. =)

    TNX.

    P0ST iT NLNG HERE. ü

  12. hahahay… hmm… maikli nga ba toh??? hahahahay.. tinatamad akong mag print… ang taas..kukulangin ang band paper koh..!!!!

  13. Open ended ang kwento. Pwede mong ituloy sa kung anong paraan mo gusto at pwede mo rin bigyan ng bagong direksyon. Magaling ang nag-kwento…may lalim!

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.