Narito ako ngayon sa isang lugar kung saan nag-aabot ang mga imperyalista at mga sinalanta. Kagagaling ko lang sa Himeyuri Peace Museum. Isa itong memorial para sa mga menor de edad na mga Okinawang pinadala sa giyera nong panahon ng Ikalawang Digmang Pandaigdig. Humigit-kumulang tatlong daang estudyante ang dinala sa gitna ng digmaan noong March 23, 1945. Kulang-kulang dalawang daang estudyante at guro ang namatay nang walang saysay upang mabigyan ng huwad na proteksyon ang mga taga-mainland Japan. Wala silang muwang ukol sa karapatang pantao at karapatan ng mga bata sa panahon ng digma.
Habang pinagmamasdan ko ang mga litrato, nanlulumo ako sa galit. Ika nga “war is young men dying for old men’s greed.” Yun nga lang, karamihan sa kanila ay babae. Mga 13 hanggang 19 ang mga edad nila. Hindi ka ba maa-asar man lamang pag nalaman mong walang-awa silang ipinadala sa giyera ng imperyalistang Hapon? Kaya mo bang magkibit-balikat?
Ako, hindi.
Kaya ako nagsusulat ngayon. Hindi lang dahil gusto kong ilabas ang poot ko. Dahil na rin hindi ako kailanman titigil sa pagsusulat hangga’t may mga mapaniil na lumalapastangan sa karapatan ng mga kabataan.
Sabi nila, those who win the war write history. Kung ganoon, gusto ko manalo ang mga lumalaban para sa karapatang pantao.
Produkto ako ng mga pagkamatay sa Okinawa. Kasama sa mga mukhang nakita ko ang mukha ng aking mga ninuno. Nalungkot ako at nag-isip.
Ano pa ba magagawa ko?
Tila binulungan ako ng aking obasan (lola): kapitan mo at ituloy ang paniniwalang hindi na dapat maulit pa ang digmang agresyon ng mga imperalista.
Hindi ito ang panahon upang manghina. Walang panahon upang manghina.
Si Tish, 20, ay matinding tagahanga ng mga palikurang gumagana. Siya ay Chinoy na Espanyol na, Okinawan pa. Sa kasalukuyan, nasa Migrante Youth siya at doo’y nagpapakadalubhasa sa pakikipagkapwa-tao.
ang kabataan ang sandigan ng hinaharap. kung magiging biktima lang sila ng walang saysay na digmaan nakakasama ng loob. kasi marami pa syang puwedeng magawa hindi lang para sa sarili nya kundi lalo’t higit para sa bayan nya.
Panawagan sa kabataan!
Gising kabataan tanghali nanaman imulat ang kaisipan, iwasan makintal sa utak ang kulturang mapanlinlang mula sa kanluran. Iwasan ang mga saradong espasyo gaya ng mga malls, diskuhan, etc. Balik tayo sa parang, sa bukid, ilog, kanayunan at kabundukan yan ang kalikasan na biyaya ni bathala.
Gising na bata! humanda ka sa daluyong ng diktadurya, hindi aalis sa palasyo ang “binibini” kahit umabot ang 2010, pustahan tayo.
Ka Rust
Mabuti ang mamatay nang may kadahilanan (lumalaban sa diktador, i.e. Marcos/Arroyo).
Kahit kung pinaiikli
ang mga buhay ng mga bayani,
silang mga bayani (Liliosa Hilao, Rie Mon ‘Ambo’ Guran)
ang tumitimbang nang matunog
sa kabigatan ng buhay.