Karamihan sa atin ay wala pang muwang noong Pebrero 22 -25, 1986 nang maganap ang unang EDSA People Power Revolution. Noon, ang Pilipinas ay naging modelo ng mapayapang pagbabago sa buong mundo.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa’t panalangin, napalayas ng mga mamamayan si Ferdinand Marcos, isang diktador na umagaw sa ating kalayaan at nagpasasa sa pera ng mga mamamayan.
Nang kanyang ibaba ang Batas Militar o Martial Law sa pamamagitan ng Proclamation 1081 noong Setyembre 1972, ipinasara ni Marcos ang mga diyaryo at mga himpilan ng radyo’t telebisyon. Ang media na sunud-sunuran lamang sa kanya ang nanatili. Ipinadakip din ni Marcos ang mga tumutuligsa sa kanya.
Dalawang taon bago ang pagdedeklara niya ng Batas Militar, sumiklab ang First Quarter Storm o sunud-sunod na malalaki at mararahas na protestang tumuligsa sa pandaraya ni Marcos sa eleksyon.
Ang napatalsik na diktador na ito’y nagkaroon ng record sa Guinness Book of World Records bilang isa sa mga pinakamatitinding kawatan sa kasaysayan. Sa pagtataya ni dating chairman ng Philippine Commission on Good Government na si Jovito Salonga, aabot sa lima hanggang 10 bilyong dolyar ang nakulimbat ni Marcos.
Kaya naman nang magtagumpay ang People Power, nagdiwang tayo at pinalakpakan ng buong mundo. Sabi nga sa isang awitin ng EDSA, “naging langit itong bahagi ng mundo”.
Dahil dito, hindi ba’t dapat ay inaalala natin sa mga araw na ito ang EDSA People Power? Ngunit kahapon, sa halip na masayang pagdiriwang ay iba ang naganap.
Ibinaba ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Proclamation 1017 na nagdeklara ng State of Emergency sa buong bansa matapos na mapigilan ang isa raw tangkang kudeta. Ipinagbawal lahat ng mga rally at kinansela lahat ng mga gawain kaugnay ng pagdiriwang ng EDSA People Power.
Si Arroyo ay naluklok sa kapangyarihan dahil sa People Power 2 noong Enero 2001. Bilang pangalawang pangulo, pumalit siya matapos mapatalsik ang tiwalang rehimen ni dating Pangulong Joseph Estrada. Nananatili siya sa Malacañang matapos manalo sa bilangan ng halalang 2004. Hanggang ngayon, di pa rin niya tuwirang nasasagot ang mga bintang ng pandaraya matapos siyang mai-record na naghe-“Hello Garci” sa isang election commissioner habang binibilang pa ang mga boto. Inaakusahan din siya ng paggamit sa kampanya ng perang dapat ay para sa kapakanan ng mga magsasaka. Kahit wala na ang base militar ng United States, napabalik niya sa bansa sa mga tropang Amerikano. (Ang ilan ay nakapanggahasa pa nga ng isang Pilipina noong Nobyembre.) Dahil dito at sa iba pang usapin, madalas ang mga rally laban kay Arroyo.
Isang araw matapos ibaba ang Proclamation 1081, ni-raid ng pulisya ang opisina ng diyaryong Daily Tribune na madalas bumatikos sa administrasyon; dinakip ang aktibistang mambabatas na si Anakpawis Rep. Crispin Beltran sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noon pang 1985; inaresto ang mga dating opisyal ng pulisya na sina Ramon Montaño at Rex Piad; at tinangkang arestuhin din si Bayan Muna Rep. Satur Ocampo na isa sa mga lider ng People Power 2, pati ang iba pang mga taga-oposisyon.
Tulad ni Marcos, ginamit ni Arroyo ang umano’y sabwatan ng mga rebeldeng komunista at mga rebeldeng sundalo bilang dahilan ng pagbababa ng Proclamation 1081. Ginawa raw niya ito upang protektahan ang Estado at ang mga mamamayan.
Laganap ang opinyong ito ni Arroyo upang supilin ang lalong lumalawak na paglaban sa kanyang pamamahala, at upang manatili sa kanyang puwesto. Di nga ba’t nanatiling pangulo si Marcos sa loob ng mahabang panahon nang dahil sa Martial Law? At may bonus pa ang diktador: nakakupit pa nang malakihan sa kaban ng yaman!
Nais naming maniwala sa dahilan ni Pangulong Arroyo. Alam din naming isa siyang masigasig at wais na pinuno. Ngunit ang kanyang paliwanag ay nilulunod ng aming pagkagiliw sa titik at himig ng “Handog ng Pilipino sa Mundo,” isang awiting una nating narinig noong ang Pilipino’y kinaiinggitan ng daigdig, at ang karamihan sa ating heneresyon ay mga wala pang muwang:
‘Di na ‘ko papayag mawala ka muli.
‘Di na ‘ko papayag na muli mabawi,
Ating kalayaan kay tagal natin mithi.
‘Di na papayagang mabawi muli.
Kapangyarin… Sa ngayon ay wala sa masa’
Takot at pangamba ang nasa kanyang dibdib at isipan.. Ngunit di ito magdadalawang isip kung ang simukra ay talagang bumubulong na gutom at uhaw sa pagkalinga nang sariling magulang…
Kaya relax lang kayo kung noong ay napasok ang malakanyang bakit di natin kayang gawing agawin ang mga ariarian nang mga salot sa ating lipunan.. Malapit na… Hehehehe…
kalayan para bayan,,,
kalayan para bayan!!!!!! sigaw ng mamamayan, jovin bulacenio,
wala nang pag asa!
kahit sinong pumalit na maging pangulo,ibababa at ibababa nyo rin sila…
walang matinong gobyerno sa mga kurakot na mga pinuno….
nakaka sawa nang pakinggan ang ganitong klaseng mga balita…walang pagbabago kahit kailan!
wag na kayong umasa sa magagawa nila! gumon na sila sa kapangyarihan!
hindi naman sa “wala ng pag asa ang ating bayan”.. at wag naman sana tayong ma kontento na lamang sa ganitong kataga.. lahat naman ay may pag-asa,, kung maniniwala lamang tayo.. Bakit ba nila ginagawa ito..?
dahil karamihan sa ating mga Pilipino ay walang pakialam sa mga pangyayaring katiwalian, walang alam sa mga batas at dahil ang iba ay sapat na ang sabihing “wala ng pag-asa ang ating bayan”..
Ganito na ba kalabnaw ang ating pananaw sa bansang Pilipinas?