Kabisado ko na ang bayan nang nakapikit–sa bawat ikot ng pedal, tantsa ko na kung kailan dapat lumiko o huminto. Hindi ko ito gagawin ngayon–kahit kailan. Mahirap na kasi–baka mabangga.
Pamilyar ang sakay ko, may kamukha kasi siya–isang pasahero ko dati. Madalas niya akong napapara tuwing labasan noon ng mag-aaral. Tuwing lulan ko siya, ang gaan ng mga pedal, ang liit kasi niya kumpara sa ibang bata. Natuwa naman ako, dahil paakyat ang lugar nila. Kapag bumaba na siya sa matingkad na geyt, hindi ko na kailangang i-pedal ang biyahe pababa.
Magkasing-laki sila ng pasahero ko ngayon, ngunit hindi na magaan ang mga pedal–pataas pa naman ang lugar.
Pumara siya sa tapat ng isang geyt–hindi na ito matingkad. Bumaba ang bata at pinagbuksan siya ng isang lalaki. Nagkatinginan kami. Ngumiti siya, tinaas ng saglit ang palad sa akin–tumango siya para papasukin ang bata.
Ngumiti ako habang sinara niya ang geyt, hindi na ako nagpedal pabalik.
naaalala ko ang mga pedicab na nagkalat sa tundo ….
naalala ko rin noong minsang sinundo ako ng tatay ko sa skul dahil maingay ang balitang me mga nakawalang bilanggo sa city jail at nilulusob ang mga skwelahang pang-elementarya … may dala syang dos por dos .. yun yung una at huling sundo sa akin ng tatay ko sa skul dahil di naman nya madalas ginagawa yun.Ang sarap magbasa ng maiiling kwento :)
wow! super ganda po I love the story ang ganda ganda kasi eh………
Nakakatuwa ang estilo mo sa pagsulat ng maikling kwento… “Napag-iisip” ang mambabasa.
maganda ang iyong maikling kuwento talagang napakaikli subalit napg-isip ako sa lalaking nagbukas ng geyt at ng drayber maaaring ang lalaking magbukas ay ang pasahero niya rin dati. maaari ring ang nagbukas at ang pasaherong inihatid ay magkapatid. salamat….u
galing…
ang ganda po, hope i can make a story like that… =P
ang ganda ng story. Ang sipag nman at ang galing ng bida kac kya nyang magdrive khit nkapkit.
thanks sa story
ang cute nung story.. very confusing siya… maaring ung lalaking nagbukas ng gate ay un din ung batang kwenekwento niya… ang ganda!
talagang napakaganda very creative!!!!!!!!!!!!!!!!!!.galing…galing ‘;,;’
oo nga noh di koh maa preciate heheheh joke lng ho
wowz! so ganda talaga… tapuz naka 2long pah sa mag aaral ko kc kailangan namin sa filipino III salamat sa inyU!
Super ganda talaga! Walang katulad. Ito na ang pinakamaganda at pinakasimpleng maikling kuwento na nabasa ko.
sobrang ikli
maganda at para bang totong nangyayari yung lang !!!
hi jedi
hahahaha….. nakakalito pero nakakatuwa! hahaha
ung nagbukas pala ng gate ung binabanggit niyang pasahero niya dati. hahaha
Natuwa naman ako dito..
Hindi na magaan ang pedal.. so matanda na ang drayber at mahina na?
Ibig ba sabihin, anak na na dati niyang pasahero ang inihahatid niya ngayon?
Kasi naluma na ang gate di ba…? sa tagal na rin siguro…
it means, hindi na tlaga umasenso ung tao. nagkaroon na ng anak ang dating pasahero, eh drayber pa rin siya.