Magdadalawang buwan na rin akong nagtuturo sa isa sa pribadong paaralan sa Bocaue. Biruin mo yon, ang bilis talaga ng panahon. Matagal-tagal din akong hindi nakapagsulat gawa ng pagiging abala sa mga gawaing pangguro. Pero, heto na naman ako at nakahandang magbahagi sa inyo ng mga nakatutuwang karanasan sa buhay na karamihan ay naranasan ko sa loob ng bagong mundong ginagalawan ko ngayon — ang paaralan.
Siyam na sections ang tinuturuan ko sa umaga. Isa doon ay Values na minsan sa isang linggo ko lang maturuan. Kung isasama ko pa ang panggabi, mga sampu yun lahat. Kung susumahin mo, mga mahigit 350 ang mga estudyanteng dumadaan sa mga palad ko. Ibig sabihin, mahigit 350 ugali ang kailangan kong kilalanin at intindihan (Medyo masakit sa ulo ah). Pakiramdam ko ngayon para akong naging batang ina sa marami sa kanila. Madalas, tagapagbigay ng payo tungkol sa kung anu-anong paksa — problema sa sarili, sa kaibigan, sa magulang, sa kapatid, sa ibang titser at siyempre problema sa puso (hindi sakit sa puso ah kundi yung pagtibok-tibok ng puso… Alam nyo na!)
Natatawa ako nang palihim kapag nagbabahagi ang mga estudyante ko ng mga nararamdaman nila. Hindi naman sa pinagtatawanan ko sila kundi naiisip ko lang na mga kabataan nga sila, mga pilyo, pabugso-bugso; yun bang akala mo matanda na kung mag-isip pero pagkalipas lang ng ilang araw, ayaw na agad. Nagagamit ko talaga ang mga natutunan ko sa sabjek kong Guidance noon sa kolehiyo.
May advisory class ako. Sinabi lang iyon sa akin ilang araw bago magpasukan. Sa totoo lang, akala ko magiging madali lang kapag may advisory class ka. Mali pala ako sa bahaging iyon. 44 na junior ang ibinigay sa pangangalaga ko. At take note, sila yung may hindi magandang rekord nung nakaraang taon kaya alam ko na agad na hindi magiging madali ang lahat sa akin. Naku, kay-iingay nilang lahat! Akala mo, mga isang taong hindi nagkita. Mapalalaki man o babae, walang magpapatalo sa daldalan. May ilan lang na nangangapa pa siguro dahil transferee kaya medyo tahimik. Ngayon, kung hindi ka pa magtataas ng boses sa kanila, hindi sila tatahimik. May mga KSP talaga pala sa mga estudyante. Yun bang kahit ano gagawin para lang mapansin. Mayroon namang nagpapakitang-gilas na sa umpisa pa lang ng grading.
Iba-iba talaga ang mga estudyante. Bukod sa pisikal na pagkakaiba, magkakaiba rin sila ng pananaw sa mga bagay-bagay sa buhay. Pinalaki rin sila sa iba’t ibang paraan kaya asahan mo na ang pagkakaiba-iba sa kanilang mga ugali. Ang sabi ko sa mga estudyante ko tuwing may mahirap silang gagawin, lagi lang nilang ilalagay ang kanang kamay nila sa kaliwang balikat nila sabay sabing “kaya mo yan,†na hindi nila alam ay ginagawa ko rin bago ako pumasok sa kanilang silid para turuan sila. Hayyy, Ma’am na ang tawag ng marami sa akin. “Ma’am†— salitang may kalakip na pagrespeto, paghanga at paggalang.
Heto na ako. Nandito na talaga ako sa loob ng mundong ipinagtatanong ko lang dati. Nararamdaman ko na bigat ng responsibidad na nakaatang sa akin. Hindi dapat magpabaya sa propesyong ito o mas dapat na tawaging isang bokasyon. Maingat na ang bawat pagsasalita at pagkilos. Kailangang habaan pa ang pisi. Kailangan ng mas marami pang timba ng pag-unawa at pagmamahal dahil titser ako… dahil titser ako.
Mga dahilan kung bakit pumapasok ang mga estudyante sa paaralan.
Para sa mga matitinong estudyante diyan (Tulad ko noon, pramis!), ang dahilan ng pagpasok nila sa paaralan ay upang matuto. At iyon naman talaga ang dapat, walang dapat pag-usapan pa diyan. Kaya lang sa ngayon, napapansin kong tila marami na ang nagsusulputang dahilan kung bakit pumapasok sa iskul ang mga kabataan. Ito ay base lang naman sa mga nakikita at naririnig ko kaya bato-bato sa langit ang tamaan, huwag magre-react.
1. Pagagalitan ng magulang kapag hindi pumasok. At kapag nangyari iyon, pagbabawalan gumimik kasama ang barkada. Bawal din ang gumamit ng telepono o kaya cellphone. Paglilinisin pa ng bahay at kung anu-ano pang maisip na parusa.
2. Mawawalan ng baon. Sayang nga naman ang allowance o kaya ay baon gano man iyon kaliit kung hindi ka papasok. Ang golden rule kasi ng mga magulang, “no classes, no baon.†Sa mga kabataan ngayon, hindi nga naman pwede yun. Paano na ang date kung may nililigawan? Paano na ang pang-load tuwing Sabado at Linggo? Hindi na makakapag-unlitxt, wala na ring pang-rent sa mga computer shop sa labas. Babay na rin sa mga computer games at bilyar sa kanto. Malungkot na ang buhay kapag ganon.
3. Hindi makikita ang crush o kaya nililigawan o kaya naman gf/bf. Kahit sabihin pang korni, marami sa mga kabataan ngayon na nabubuhayan sa pag-aaral kapag nakikita ang mga sinisinta ng kanilang puso. Sasabihin nga ng iba, “makita ko lang siya, solb na ang araw ko†na may kasama pang pamumungay ng mata at pagtitig sa kawalan. Mayroon pa ngang iba na kahit sa pagsulyap lang habang bumibili sa canteen o kaya naman ay makasalubong sa daan ay masaya na. Kung hindi sila papasok, manghihinayang sila sa ilang araw na hindi nila makakausap ang kanilang mga sinusuyo. Ang iba naman ay natatakot na mabaling ang atensyon ng kanilang mga mahal sa iba (Aba! Mahirap nga naman yun!)
4. Para makipagkwentuhan at makipagdaldalan. Mayron kasing mga mag-aaral na sadyang hindi mapakali kapag hindi naikwento sa iba ang mga karanasan nila sa buhay o kaya naman ay mga napanood o nabalitaan. Halimbawa, napanood ang My Girl, hindi makatiis kaya naman nag-text na sa kaklase na may sasabihin daw siya bukas na nakakakilig. Eto namang kaklase na sinabihan, naging interesado kaya tinawagan at usapang umaatikabo na naman. Hanggang kinabukasan ay iyong nangyari sa My Girl pa rin ang paksa ng usapan. Sa mga lalaki naman, ang mga istratehiya naman sa panliligaw ang pinag-uusapan o kaya naman ay kailan gigimik, saan maglalaro ng basketbol at kung anu-ano pa. Sa mga maloko naman, ang pinag-uusapan ay kung paano iinisin ang mga kaklase nila. (Kabataan nga naman…)
5. Para may pasyalan. Nakakatawa man pero totoong nangyayari na pumapasok ang ilang mag-aaral para mamasyal. Iyan yung mga mag-aaral na lahat na yata ng sulok ng paaralan ay nalibot na. Para bang libang na libang sila sa paglalakad at paglilibot. Sa oras naman ng klase, hindi pa rin sila papipigil, para silang mga bisor na lakad nang lakad. Lahat na yata ng opisina sa paaralan ay napuntahan na nila. Sa madaling salita, sila yung mga nagpapapansin lang madalas.
Siguro ay naka-relate kayo kahit papaano sa mga nabanggit ko sa itaas. Hindi pa siguro kumpleto ang listahan ko kaya naman kayo na ang bahalang magdagdag. Kung sang-ayon man kayo o hindi sa mga dahilang ibinigay ko, kayo na ang bahala. Ang sa akin lang, don’t tell a lie, aminin!
Pinakamabenta sa mga paaralan
Noong nag-aaral ako, ang pinakamadalas ko yatang bilhin ay bolpen. Madalas kasi akong nawawalan ng bolpen nun. Sa pagkain naman, banana que at samalamig yata kasi nagtitipid ako nun eh. Sa mga tindahan sa loob ng mga paaralan, gamit sa eskwela ang pinakamabenta — bolpen, papel, notbuk at iba pa. Isama mo na rin diyan ang mga kutkutin, pampawala ng antok sa klase tulad ng boy bawang, kornik, chicharon, beans, mani at kung anu-ano pa.
Sa paglipas ng panahon, nagbabago na rin siyempre ang mga paboritong bilihin ng mga estudyante. Ilan sa mga natuklasan kong pinakambenta sa mga tindahan ay ang mga sumusunod:
1. Gel, hair wax, hair polish o kahit ano pang tawag mo don. Mapababae o lalaki man, bentang-benta ang mga gel sa tindahan. Ikaw ba naman ang poporma o magpapaganda, siyempre kailangan pati ang buhok maayos. Kung anu-anong style pa ang gagawin sa buhok — may tayo-tayo style, may gulo-gulo style, may lawit-lawit style, at kung anu-ano pang style sa buhok ng lalaki. Sino ba naman ang hindi nakakaalam sa emo style ng buhok. Yun bang mahaba sa harap na halos matakpan na ang mukha. Sa mga babae naman, kailangan hindi buhaghag ang buhok kaya kahit ubusin ang buong pack ng hair polish sa isang gamitan, okey lang. Papahuli ba ang mga babae pagdating sa style? Siyempre hindi. Uso naman sa kanila ang baaaangsssss (Talagang ganyan ang ispeling). Maglalagay yan ng supel sa buhok pero hindi para hawiin ang buhok na tumatakip sa mukha ah kundi para may maghiwalay lang sa bangs nilang hanggang baba at sa buhok nila sa may likod. Parehong style ang ginagamit nila sa mga hair clip.
2. Pulbos, as in face powder. Nang minsang magbisita ako ng bag ng mga estudyante ko, mabibilang ko lang sa daliri ko sa kamay ang mga estudyanteng walang dalang pulbos. Kahit ano pang size yan, malaki man o maliit, may mga pulbos sila at iba-iba pa ang kulay ha. Ilan sa kanila ay may dalang pulbos na kulay pink, asul at puti. Iba-iba rin siyempre ang amoy ng mga yun. May oras din ang paggamit sa mga yun — bago magsimula ang klase, pagkatapos ng klase,tuwing break, bago mag-uwian, sa dyip at minsan tuwing kinailangan ng pagkakataon (Halimbawa, pupunta sa room ng crush o kaya makikipag-usap sa titser)
3. Salamin, as in mirror. Kung may pulbos, dapat may salamin din. Dapat yung maliit lang para handy at saka para mailagay sa bulsa o maitago sa panyo. Minsan may kinuha akong salamin sa estudyante ko na hindi ko na ibinalik pa. Kasi ba naman, nagsasalamin sa oras ko. Alam ko namang malapit na ang uwian nun pero dapat lang na ilugar pa rin nila. Pasimple pa sila kung magsalamin. Kunwari may pinupulot, yun pala magsasalamin lang. Kunwari may kukunin sa bag yun pala palihim lang na magsasalamin. Magpapaalam naman ang iba na magsi-cr, gusto lang palang manalamin. (Akala lang nila hindi ko yun alam.)
4. Suklay. Yari man iyon sa plastik, bakal o kung ano pa, basta kayang mag-ayos ng buhok, okey yun. Mas maganda yung hair doctor para hindi dumihin. Kapag plastik kasi, ilang gamitan lang, madumi na, “dyahe kaya yun.” Kung ang pagpupulbos, may oras, ang pagsusuklay,wala. Bakit? Kasi, kahit anong oras basta may pagkakataon, magsusuklay at magsusuklay ang mga yan lalo na kapag babae.
Ilan lamang yan sa mga best seller na produkto ng mga tindahan sa paaralan. Hindi ko pa isinama diyan ang tisyu at panyo ha, maging ang lip gloss at hair pin na iba-iba ang kulay. Iniisip ko nga kapag nagtayo ako ng tindahan sa alinmang iskul, alam ko na ang mga ititinda kong patok sa mga estudyante.
Hi there, maganda ang iyong panulat.. that’s simply great! I am inviting you to be one of my authors in “Brilliant Authors on the Planet”.. Bilang isang guro, I encourage you to share our wisdom and good ideas to the students. Magagamit mo yung current brigade ko to help our kababayan improve their spiritual, personal growth and financial literacy. Pwede mong gamitin ito sa pagtuturo mo sa mga estudyante, para hingin ang kanilang mga idea at palawakin ang kaisipan nila para sa ikauunlad hindi lang ng bansa kundi ng bawat pilipino. Pagyamanin natin ang kaisipan ng mga kabataan ngayon para magkaron tayo ng masaganang bukas at masolusyunan ang kahirapan sa ating bansa. Punan natin ang kakulangan sa edukasyon. I believe that we are just lack of knowledge on financial and personal motivation.
Magtulungan po tayo Ms.Mylene. Inaasahan ko ang iyong paglahok..
Please visit: http://www.brilliantauthors.blogspot.com
Send email to : brilliantreader@yahoo.com
Thank you and God bless!
maam!sumusulat ka pala dito weh..mmm..di nyo naman sinasabi..nagsesearch ako ng lathalain dito sa library..laking gulat ko nang makita ko ang pangalan nyo..grabe maam..alam na alam nyo ang mga gawain naming hs students wah..sulat lang ng sulat,maam..u can do it!GOD BLESS
Hi! mam, di ko akalaing nagsussulat pala kayo d2!
ang maganda pa non kamiong mga DYCIan pa ang tinutukoy nyo, alam na alam nyo na po talaga ugali namin wah! mam kaya nyo yan! God bless!
Hi ma’am.! galing hah…pano po magsubscribe?hehe..(gusto pala..)
Keep on writing mam…
Godbless!
Habang binabasa ko ang iyong article, hindi ko mapigil na panagiti dahil sa isip ko, wala na palang ipinagkaiba ang mga mag-aaral natin diyan sa Pilipinas kumpara sa mga mag-aaral dito sa ibang parte ng Estados Unidos. Malaki na talaga ang ipinagbago ng mga kabataang mag-aaral sa ngayon.
Nakita ko rin ang pagkakapareho nang maraming dahilan ng mga mag-aaral sa pagpasok sa paaralan. Ang pinakamasakit na dahilan… at siyang nagpapasakit sa akin puso ay malaman mo na pumapasok ang bata sa paaralan dahil ito ang pinaka safe na lugar para sa kanila at ito lamang ang kanilang mapupuntahan upang makatikim kahit ng kaunting pagmamahal galing sa kanilang mga guro.
Maraming salamat sa iyo sa iyong marangal na hangarin na mabagsilbihan ang mga kabataan na kinabukasan ng ating bansa. Sana ay maging tagumpay ka sa iyong mga layunin para sa ating mga kabatan mag-aaral.
mabuhay ka, kapwa ko guro! isang magandang lathalain! makes me more proud of being a teacher! social science major ako at nagtuturo na sa isang pampublikong paaralan sa maynila. tuloy lang, kasama, anupa’t di naging noble profession ang pagtuturo! :)
mylene… muzta na. bonggang bonga ang iyong article… naway magpatuloy pa ang iyong pagsusulat… tulad ng dati sa Mentors’ Journal. love ate ayen…
Ate Mylene, hindi ka nag-iisa. Kasama mo ako sa mundong nais mong buuin. Isang mundong sensitibo at at may kalayaang may laya. Mapaglaro, nag-iisip, mapanghamon, at higit na nagpapahalaga sa mabuti kaysa mapagkunwari.
Tatahakin ko ang daigdig ng pagtuturo ng may pagmamayabang dahil sa mga kagaya mo.
Mahal kita ate mylene.
mam ingat po kayo sa inyong paroroonan.huwag po kayong mag-alala
dahil laging nandyan si GOD para tulungan tayo.di po namin makalilimutan na minsan sa buhay namin ay may isang Mylene Padua na nagbigay kahulugan sa buhay namin at pinatingkad ang mapusyaw nitong kulay.Godbless po.
saludo kami sa iyo!
ang galing ng ginawa mong article. lahat un totoo. teacher din kami grabe. . . .mga bata ngayon nakakaloka!. .. . .di poh kayo nag-iisa. ITAYO ANG BANDILA NG MGA TEACHERS. . ….
puta ina nyo gago ka :galit:
:?: ano raw!!!!!!!!! :fucku:
Good day po!. Dina ako nag-aaral pero ganun nga ung ibang mga mag-aaral sa ngayon… Puro kalokohan nalang minsan.. hehe. Ganun din ako minsan. Sana po ay madami pa kayong maturuang mga mga istudyante. God Bless you po!