Tabla ang scores sa 72, tatlong minuto pa ang natitira sa final quarter. Muli akong tinapik ni coach para pumasok ulit sa hard-court.

Apat na minuto rin akong napahinga mula ng habulin ko ang 13 puntos na kalamangan ng kalaban, at ngayon nga ay tabla na dahil sa palitang score ng dalawang team.

Hinubad ko na ang suot kong warmer at nagpaalam ako sa table official para pumasok. Eksaktong “deadball,” pwede nang sumabak. Sigawan ang mga tao nang narinig nilang pumasok na ang number 27 — matutunog na palakpakan, sipol at sigaw ng pangalan ko. Para bang di ko alam ang  uunahin  pag natapos na ang game: autograph signing, picture taking, o interview.

Ipinasa agad sa akin ang bola at itinira ko agad sa tres. “Number 27 for three points!!!!!”

“yes!” Pumasok ang tira. Para akong celebrity, nakabandera ang pangalan ko sa court. Ngunit magaling ang numero singko ng kalaban, dumrive sya at nakakuha ng foul, na-i shoot nya ang bonus shot kaya tabla na naman ang score.

“Time-out!”  Senyas ko kay ref. Gusto kong gumawa ng play. Two minutes left,  sabi ng komentarista.

Tumunog na ang buzzer hudyat ng balik-laro para sa last two minutes ng final quarter,. Ako ang nag-inbound ng bola at ibinalik sa akin. Pinatay ko muna  ang oras para makadiskarte nang maayos. Sigaw si coach ng “Gamitin mo ang oras!”  kaya iyon ang ginawa ko.

Ngunit naagaw sa akin ang  bola nang tangkain ko itong ipasa. Sobrang bilis ng singko at naipasok nya ang bola. 85-83 ang score abante ang kalaban 24 seconds left sa ballgame.

Sa amin ang bola, na-inbound ng kakampi ko at ako agad ang hinanap niya para pasahan. Bahagya kong pinatalbog talbog ang bola. Kung kanina ay takbong kabayo at kayod marino ang ginawa ko sa court, ngayon ay nilagyan ko ng disiplina. Kailangang mai-shoot ko at makakuha ako ng foul.

Hanggang sa nakakita ako ng puwang sa gitna at buong lakas akong sumalaksak. Sigurado makakakuha ako ng foul.

Lay –up with matching tap the board ang ginawa kong pang-finale. Pasok, ngunit may naramdaman akong sakit mula sa aking likuran — isang hampas mula sa kalaban. “Ref, foul!” Sabay pito ni ref at senyas na may foul nga daw. Subalit mukhang di ko na kayang itira ang bonus shot sa sobrang sakit na natamo ko. Dahan-dahang nagdilim ang paningin ko. Unti-unting nawala ang crowd, ang fans, si ref, at ang buong court … at ako nga ay bumagsak.

Maya-maya pa ay naka-aninag ako ng isang matandang babae, nagngangalit ang mga panga nito sa galit at nakatingin sa akin…

Hanggang sa sya ay sumigaw: “Punyeta ka Mamerto, kapag di ka pa bumangon diyan itong batya na ang tatama sa ‘yo! Tanghali na wala pa akong tubig panlaba!”

Francis Maycacayan

isang palaboy.....

Join the Conversation

8 Comments

  1. wow!!!ang galing mo…kala q totoo na…pwede kang feature writer…ang galing mo…IDOL n kita… sana ganyan din ako kagaling magsulat…hanggang sa panaginip na lng ata ako…hahaha…

    :))

    aabangan ko pa iba mo isusulat dito…

    keep it up…

  2. haha! nkkatuwa! naiimagine q p nmn hbng binabasa q.. un pla isang malaking kahibangan lng! ayus!

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.