Talumpati ni Dr. Carol P. Araullo
Tagapangulo, Bagong Alyansang Makabayan
Magandang tanghali sa lahat ng dumalo sa pagtitipon natin dito sa lansangan para ihayag ang tunay na kalagayan ng bayan, makiisa at magprotesta dito sa tinatawag nating SONA ng Mamamayan. Mabuhay kayo!
Sapagkat alam nating pawang kasinungalingan ang manggagaling kay Gng. Arroyo sa kanyang bibigkasing SONA sa Konggreso, ayaw nating palampasin ang insultong ito. Gusto nating patunayan na hindi na niya kayang lokohin pa ang taumbayan.
Kaya nga hindi tayo titigil, bagkus lalo nating pag-iibayuhin ang pagprotesta hanggat nakaupo si Gng. Arroyo sa Malakanyang sapagkat hindi na dapat patagalin pa ang kanyang papet, pasista at bulok na rehimen.
Bumubulusok ang satisfaction, approval at trust rating ni Arroyo – pinakamababa sa kasaysayan, sa lahat ng rehiyon, at sa lahat ng grupong sosyo-ekonomiko — patunay na sinisingil ng malawak na masa, maging ng mga nasa panggitna hanggang nakatataas na uri sa lipunan, ang rehimen sa kanyang mga krimen at iba pang kasalanan sa bayan.
Mabilis ang paghuhugas-kamay ng rehimen sa sumisirit ng presyo ng langis, ng bigas at iba pang mga pangunahing bilihin at serbisyo tulad ng tubig, kuryente, edukasyon. Maayos daw ang pagpapatakbo ni Gng. Arroyo sa ekonomya kundi nga lang ba nagkaroon ng pandaigdigang krisis. Wala raw magagawa ang gubyerno nito kundi iraos ang mga problemang nagsisipagdatingan at maghintay ng paglipas ng bagyo ng pandaigdigang krisis.
Subalit ano ang totoo? Totoong bahagi ang nararansan nating krisis ng isang pandaigdigang krisis, ang krisis ng imperyalismo. Pero hindi totoong walang magagawa at walang pananagutan ang gobyerno sa krisis na kasalukuyang bumabayo sa ating lipunan.
Panay ang anunsyo ni Gng. Arroyo ng mga sabsidi para may ipakita siyang tugon sa gipit na gipit na sitwasyon ng napakaraming Pilipino ngayon. Pero ayon sa survey ng Pulse Asia walang epekto ang mga gimik na ito. Walang tiwala at hindi nasisiyahan sa performance ni Arroyo kahit ang mga tumatanggap ng sari-saring sabsidi mula sa gobyerno.
Tinatanggihan ni Arroyong ipatupad ang mga hakbang na kagyat na makapagpapababa ng mga presyo ng mga bilihin tulad ng pagtanggal ng VAT sa mga produktong langis at kuryente. Itoâ€
Higit pa, malaking bahagi ng VAT ang napupunta sa pangungrakot ng mga kapamilya, kroni at kaalyadong politiko ni Arroyo at sa walang kahihinatnang gera laban sa mga rebeldeng NPA at Moro, na nagdudulot lamang ng malawakang paglabag sa mga karapatang pantao at higit na kawalan ng kapayapaan sa bansa.
Ang hanap ng mga magsasaka ay lupa at suporta sa agrikultura; mga manggagawaâ€
Sa walong taon sa poder, hindi ito ibinigay at di kayang ibigay ng rehimeng US-Arroyo. Reporma sa lupa? Ang mga Arroyo mismo ay mga cacique, dala-dala ang interes ng malalaking panginoong maylupa kayaâ€
Disenteng trabaho? Pinagpapatuloy ni Arroyo ang patakaran na panatiliing tambakan ang bansa ng mga sobrang produkto at kapital ng mga monopolyo kapitalistang bansa sa halip na itayo ang sariling mga industriya na magbibigay ng trabaho, gagamit ng mga hilaw na sangkap mula sa bansa at tutugon sa sarili nating pangangailangan.
Walang habas na pinatutupad ni Arroyo ang mga patakaran ng imperyalistang “globalisasyon†kahit na ang dulot nitoâ€
At upang makapanatili sa poder sa kabila ng kalagayang isinusuka at kinamumuhian na siya ng sambayanan, si Arroyo ay nagpapakatuta sa imperyalistang Amerikano at sunud-sunuran sa panggegera nito sa mundo sa ngalan ng kontra-terorismo; kinokorap ang mga heneral at ginagawang pambala sa kanyon ang mga sundalo; sinusuhulan ang mga konggresista, gubernador at ibang lokal na opisyal, maging mga Obispo; at patuloy na winawalanghiya ang bayan at pinapasista ang mamamayang lumalaban.
Sa pulong ng pinagsanib na Lakas-NUCD at Kammpi kamakailan, nagawa pang sabihin ni Arroyo na maaabot ng Pilipinas ang pagiging mayaman at maunlad na bansa tulad ng ibang mga bansa sa First World sa loob lamang ng dalawampung (20) taon, BASTA magpatuloy ang pagkakaisaâ€
Napakarami, napakabibigat at napakahihigpit ng mga dahilan para kagyat na patalsikin ang korap, papet, pasistaâ€
at saligang mga pagbabago sa lipunan.
(Ang teksto ay kinopya ng Tinig.com sa blog ng peryodistang si Tonyo Cruz.)
hindi uunlad ang pilipinas kung ang nkaupong nunal ang nagpapatakbo nito!
salamat po sa pag post nitong talumpati
gagamitin poh namin kc sa class