Hit na hit sa usapan ang tapang ni Senador Antonio Trillanes IV–parang superhero ang dating. Naghuramentado, nagsisigaw ng pagbabago para sa bayan. May nanggugulo raw sa atin. Ayon sa kanya, ang kanyang ginawa ay isang obligasyong moral sa bayan para sa katulad nyang sundalo.

Ang mga anti-Gloria, nagdiwang sandali; akala nila’y ito na ang simula ng pagbagsak ni Tita Glo, pero marami ang napigil ang pag-utot dahil pagkatapos ng ilang oras na tensyon ay sumuko rin sina Trillanes at Lim (Gago ka ba! Ikaw kaya ang sugurin ng higit 2,000 sundalo at tangke!).

Okey, ang sabi sa mga bulung-bulungan ay marami pang susunod na attempt para masabunutan na nang husto si Gloria. Dalawang grupo pa raw ng mga militar ang naghihintay ng tamang timing kung kelan nila ipapakita ang kanila namang paghuhuramentado (Nakakabilib yon, sa totoo lang–kasi isipin naman natin, sa kanila todo-taya na lahat at pag nasilat sila, sila ang yari kay Tita Glo, sabunot bakla ang aabutin nila, ha ha ha!). At sa kaso ng ibang mga militanteng grupo, magkakasa sila ng malawakan at mga pambansang protesta (Okey din yon, dahil iyon naman talaga ang boses ng tao, palayasin ang mga nakaka-high blood na personalidad sa Malakanyang).

Iba’t ibang mga sektor ang patuloy na nag-iisip ng mga plano kung papa’no at ano nga ang maganda. Isip… isip… isip… 1… 2… 3… (Nakakainip-ang tagal-tagal, ang dami ng gustong iutot ang sama ng loob nila sa unfair na gobyernong ito). Kahit na ibang mga pulitiko, mapa-oposisyon, o hindi man (Yung mga nakiki-oposisyon, iyan yung ibang timing ang hinihintay, idol kasi nila si Gloria kaya gusto nila syang palitan he he he!–ang mapikon, BISTO) walang tigil sa kaka-submit ng complaint at impeachment case laban kay, syempre pa Gloria ulit (Yun nga lang numbers game daw yun kaya wala rin, pero okey na rin sila, kasi in a way nalalaman ng bayan ang ilang mga lihim ng administrasyon).

Eto ang malupit, pati mga religious, group ginagamit na rin nila ang kanilang kongregasyon at mga pagpupulong (sama na pati fellowship) para tirahin si Gloria (Kawawang Gloria, kaunti na lang ang padrino nya pagdating ng langit, kasi karamihan sa religious leader galit sa kanya he he he, hirap talagang maging pangulo, pati kinabukasan sa langit nadaamay). Ang mga sermon, bible study at kung ano-ano pang spiritual gatherings, ang best example pag gustong ipakita o ipotray ang isang bad image, gobyerno.

Ayan, maraming senaryo ng hakbang patungo raw sa pagbabago, mga personalidad na naghahanap ng katarungan na para raw sa marami. Paulit-ulit na hinaing ng pagkadismaya sa pamahalaan. Totoo naman ang lahat ng iyan, kahit sinong tumingin walang nangyari sa Pilipinas sa lumipas na maraming bilang ng dekada at mga taon.

Simula pa noon, na hindi pa tayo republika–kumbaga sa public vehicle, kolorum–wala pang lisyensya para magpagpag ng kayang gawin (kahit may kaya namang gawin) at hanggang ngayong isa na tayong tunay na bansang nasa loob ng community ng United Nations, wala na tayong tigil sa kakasigaw para sa pagbabago at pagpapalit ng pinuno na mamumuno sa atin. Hindi tayo nauubusan ng mga bayani sa bawat panahon ng pag-aaklas at rebolusyon. Patuloy na may nagsasalita para sa kapakanan ng kanyang kapwa Pilipino. At totoong nakakatuwa at nakakahanga ang pangyayaring ito. Mga totoong Pilipinong nag-isip ng maganda hindi para sa sarili kundi para sa bayan. Pero ganun pa man ang mga kilos na ito sa nakaraan at maging sa kasalukuyan ay humahantong pa rin sa kabiguan ng maraming umasa sa simula… at sa ipinangakong pagbabago.

Ang bawat sigaw, hakbang sa pagbabago at pag-unlad, ang bawat protesta sa kalsada, ang pagpapatalsik sa kasalukuyang rehimen at iba pang mga aktuwasyon para magkaroon ng panibagong simula ay hindi lamang dapat mangako sa umpisa ng isang palsong pag-asa.

Sa mga naghangad, naghahangad at maghahangad na muli tayong magsimula ng bago, gusto ko lang sanang sabihin na matagal na tayong nagsimula, kaya panahon na para marating na natin kung anuman ang ating sinimulan.

Edilberto Larin, Jr.

Si Edel Larin ay isang manunulat at archaeologist na nagtuturo sa Bulacan State University. Kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik sa kabundukan ng Sierra Madre sa Bulacan

Join the Conversation

11 Comments

  1. tumpak magandang pananaw,ang mga filipino ay nangangapa sa madilim nating bansa.ang isang tanong lamang ay ano ang mapapala natin ukol sa awayang pang pamahalaan?kung halimbawa ba na mapapatalsik si PGMA may mapapala ba tayo?madadagdagan ba ang kinikita natin sa araw araw at mababawasan ba ang mga naghihirap nating mga kababayan?Pare pareho lang naman sila kya wag na sila mag maganda.PERA lamang ang habol nila sa bansa natin.Kailangan na nating tanggapin na tayo ay panghabang buhay nang alipin.alipin hindi lang sa labas ng bansa pati na rin sa ating sariling bansa.tanggapin na natin ang katotohanan..hindi tayo dapat umasa sa pamahalaan.matuto tayo na mag trabaho at mag sumikap para sa ating mga sarili.FILIPINO GUMISING KA.WAG TAYONG MAG PAKA TANGA

  2. kung ngayon pa lng magsisimula, para nang kanser na hindi na mapapahupa..kung idadayagnos ang stage ay nasa stage four na…sobrang lalim at di mawaring inpeksyon na and iginuhit at pinadama ng gobyerno sa masa.kung merong lang sana mas matapang pa sa vancomycin na anti biotiko, yun dpat ang isangga.

    ang tangi nating konsolasyon ay ang mapaniwala natin ang ating mga sarili na kaya nating itama ang mga mali at kabalbalan ng mga buwaya sa pamamagitan ng kanya kanya nating mabubuting gawain sa komunidad ng mga susunod na makikibaka sa magulo at sumisikip ng bansa.

    nice article bro…

  3. Ang ganda ng mga pananaw nyo sir Larin. Nagustuhan ko po yung ginawa nyong article. hehehe Yan n po yung comment n hiningi nyo.(hehehe) Pagpatuloy nyo pa po yang magagandang lathain nyo.

  4. ~hai naku…mhirap tlgang idetermine at ijudge ang mga tao sa lipunan natin…madami s knila (o halos lahat) sa kanila ay mga nagpap-pogi lang s mga tao…nagpapabango,ika nga..dahil s mga papansing ginagawa nila..sa kasong ito,marahil ay isang demokratiko nga tayong bansa subalit ang kanilang ginawa ay isang tanda ant isang bagay lamang na nagpapakita na hindi sila disiplinadong tao…oo,tama n ipaglaban kung ano ang sa tingin mo ay nararapat..subalit ang paglusob at pagbulabog sa mla pen ganun din sa mga tao sa paligid ay hindi na makatarungan…isa itong indikasyon na marami na sa ating mga pilipino ang labis na nadadala at umaabuso sa karapatang ating tinatamasa…

    sa kabilang banda,ako’y may isang bagay na natutnan…kaya palang lakarin simula makati rtc hanggang mla pen…hehehe..

    sa mga kaguluhang ito na pati mga taga media ay nadamay..isa lamang ang aking masasabi,.pantay na karapatan…kailangan natin nng tamang pagiisip tungkol sa pagdedesisyon tungko, sa mga bagay2 (di dapat pabigla-bigla) at tumupad ng maayos,matama at makatarungan ang mga nasa posisyon sa taas..At sa ating mga mamamayang pilipino,huwag atyong maging mapanghusga..sa halip ay maging aware tayo sa mga nangyyayari sa ating bansa..bilang isang bansa,kailangan nating kumilos at magkaisa para sa ikauunlad nga ating bansa,iba iba man o salusaluingat ang ating mga pananaw sa buhay..

  5. heheh.. sir… oks pala 2.. hehhehe kawawa ng si gloria, kasi sa mga church na ttira xa.. hehehhe… nice one!! hehe.. sulat pa kau para may mabasa pko..

  6. hii sir!actually 2nd time q ng basahin tong article nyo na’to ngayon..nice one! totoo naman eh puro pagpapaganda lang ang ipinapakita ng gobyerno..walang pagbabago kahit sabihin pa nila na tumataas na DAW ang antas ng ekonomiya ng bansa..(nasaan ang pagbabago?wala!!!) patuloy pa rin ang kahirapan at ang mga pagtaas ng bilihin sa merkado..dapat lang talaga na paalisin na si gloria..pati na ang mga kasabwat nya na may mga matataas na katungkulan sa gobyerno..hiindi na sila nahiya, mataas pa naman ang mga pinag-aralan nila..

    keep up the good work sir! sana inform nyo lit kme pag may bago lit kayong article dito..

    godbless po!

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.