Hindi pa tag-ulan ngunit tinatalo ng malalaking tipak na itim na ulap ang bughaw na lagit na humahalik sa dalampasigan.
Mag-a-alas tres pa lang ng hapon ngunit ang mga batang dati’y nakikita na nagpapalipad ng saranggola ay tila wala. Pati ang mga matatandang madalas mag-umpukan sa may tindahan ay animo’y bumalik sa lumang kasaysayan ng panahon ng Hapon. Ang malulutong nilang halakhakan ay napapalitan ng pagkabalisa sa sandaling sumasapit ang ganoong panahon. Sa kanila, ito ay nagbabadyang panganib.
Isinasarado ang mga bahay at nilalagyan ng sira o lumang gulong ang mga bubong na yari sa pawid. Sapat na raw ito para makapagpatibay sa pagbisita ng malakas na hangin.
Dalawang taon simula nang lisanin niya ang bayan ng Quezon — ang dating masayang lugar na dinarayo ng turista para magbakasyon at aliwin ng payapang dagat — ngayon ay bakas ng kalungkutan.
Hindi makakalimutan ng sinuman ang mga madilim na nakaraan, ang pakikipagsapalaran sa latigo ng putik ng mga tao roon na pumapalo sa kanila hanggang sila ay bawian ng hininga. Ang dagat ng kanilang takbuhan sa oras ng pangangailangan, ngayon sila ay pinabayaan.
Halong paghanga at pagkaaawa ang naramdaman ko sa nangyari kay Efren. Siguro, masasabi ko na ang naranasan nya ay gaya rin ng sa iba. Nakilala ko siya sa isang Tapsihan (kainan). Kasabay ko sya sa interview sa isang kumpanya. Matagal pa akong maghihintay kaya doon muna ako nagpalipas ng oras. Tahimik sya at malikot ang mga mata. Sa kanyang mukha, tingin ko ay hindi ka dapat magtiwala. Nagsindi ako ng sigarilyo at siya’y aking inalok. Walang halong pagtanggi at agad nya itong inabot. Sa tantya ko ay hindi nagkakalalayo ang aming edad. Maaga lang siguro siyang tumanda bunga ng hirap ng pinagdaanan.
Doon na nagsimula ang aming kuwentuhan — dahil sa isang sigarilyo. Sa kasagsagan ng bagyong iyon,na halos kumitil ng libu-libong taga-Quezon, si Efren na isang mag-aasin ay sumadya sa ibayo para dalhin ang mga sako ng asin lulan ng kabayong sinaklangan ng kalesa para maikarga ang mga paninda. Pauwi na siya noon. Mula pa nang lisanin nya ang tahanan kaninang umaga, batid na niyang malakas at mapanganib ang ulang iyon kaya ganoon na lang ang kanyang pag-aalala. Nakikita nya sa daan ang paghihinagpis ng mga taganayon na nagmamakaawa sa kanya, maisakay lamang sa kanyang kabayo. Hampas dito hampas doon sa pobreng kabayo, lumalatay sa basang katawan nito ang hapdi mula sa lubid na kanyang iwinawasiwas.
Inaagaw ng ulan ang aninag ng kanyang paningin sa daan pauwi. Iniisip nya ang kanyang ina na may katandaan na at ang amang hanggang ngayon ay hindi niya alam kung nasa laot pa. Iniisip din niya mga kapatid na walang binabanggit kundi “Kuya†kapag sila ay natatakot.
Sa isang puno ng mangga, napansin nya ang mag-iinang balot na kumot. Ang batang babae na naglalaro sa apat na taon ay nangangatog. Siya ay takot na takot na nakasukob sa makapal na tela habang ang kanyang ina ay tangan ang kanyang kapatid na sanggol. Nasasaksihan nya kung paano inaararo ng putik ang mga kabahayan. Bagamat nalampasan na niya ang tatlong iyon, pinilit nyang mag maniobra at balikan ang nakakaawang kalagayan ng mag-iina. Dagli niya silang isinakay at tinahak ang daan pauwi.
Sa kanyang wari, ano na kaya ang nangyayari sa kanila. Ubos-lakas niyang hinahataw ang kabayo mahabol lamang ang oras at maisalba ang naiwang pamilya. Abot-tanaw na niya ang kanilang tahanan ngunit nalaman niyang huli na ang lahat nang makita niyang nilamon ang mga ito ng dambuhalang putik. Walang bakas na itinira ang mapagsamantalang basang lupa. Halos mawalan sya ng ulirat. Pinilit nyang lumapit ngunit wala na syang magagawa.
Minabuti na lang nyang dalhin ang kanyang sakay sa evacuation area. Mahinahon nyang ibinaba ang mga ito. Tinanggal ni Efren ang kanyang sumbrero at ang suot niyang kamiso Tsino. Kinuha nya ang balabal na tumatakip sa mga asin at ipinalit sa basang kumot na pananggalang ng mag-iina.
Ano ba’t ang tadhana ay talagang nananadya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang ang babaeng kanyang isinalba kapalit ang sariling pamilya. Ito rin ang taong minsan ay nagbintang sa kanya ng pagnanakaw at naging dahilan para siya ay makulong nang ilang taon sa kasalanang kahit kailan ay hindi niya ginawa!
ganda nang story!
? wa ko;y nasabtan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1
mga noob! pisti mo HAHA
ako si robert
wahha
ganda nito,, astig,,,
ganda po ng story nyo..
pwede ko po bang gamitin ‘to for our project in Filipino?
pde ko rin po ba makuha ang biography nyo?
kung pwede po ay pkipasa na lang sa e-mail ko..
flora_belle13@yahoo.com
maraming salamat po..!!!
God bless..
.nagustuhan q po ang inyong story!
.kunin q po sna biography nio
for our project in filipino!
pls po!
paki send po d2: pinksha_mae@yahoo.com
Nice story.but i dunno whats the solution in the problem..
ang ganda . hahaha
i really like your story.. more power..GOd bless!
very nice story
wow nice….ang ganda po ng story nyu.
tnx po..pahiram po muna gagamitin ko lang po sa project sa fil..
and then………..