saan nga ba dapat sumigaw?

sa masukal na kagubatan?
sa bughaw na langit?
sa bunganga ng bulkan?
sa sulasok na bundok-basurahan?
sa iskinitang basa’t tagping yero’t dinging?
sa balwarte ng maawaing bathala?
sa durungawan ng tore?
sa naghihingalong dagat?
sa bukiring kamkam at nilanta?
sa sinungaling na lunsod?
sa umaapoy na lansangan?
sa kwadradong silid-aralan?
sa sariling walang batid-malay?
sa buhay na kinasadlakan?
sa kamatayang walang kasiguruhan?

saan?
saan nga ba dapat sumigaw?

walang takdang tirahan ang sigaw!
lahat ay may laya
sumigaw, umigpaw… pumanaw…
bumagyo ma’t lumindol,
mabasag man ang batingaw…
darating din ang takdang araw!

M.J. Rafal

magmasid...kumilos...lumaya! -----We do not have to visit a madhouse to find disordered minds; our planet is the mental institution of the universe.----- Johann Wolfgang von Goethe quote

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.