sa ibabaw ng tulay
doon sila naghihintay
nagkukubli sa kalaliman ng gabi
nagtatago sa pagsulyap ng buwan

ilang ulit ko na silang nadaanan
nang-aakit ng mga hayok sa laman
upang pagdaka’y malagyan ng laman
ang kumakalam nilang tiyan

mahaba ang gabi
para sa mga mariang
naghihintay ng grasya
habang nagkukubli
sa kalaliman ng gabi.

aba ginoong maria
(na nasa malakanyang)
napupuno ka ng grasya
(mula sa kaban ng bayan)
nawa’y bigyan mo ng pansin
ang iba pang abang maria
(magbahagi ka naman
masyado kang buwaya)
na matagal nang naghihintay
ng pangako mong kaunlaran…

Piglas Diwa

Online na pangkat ng mga manunulat na nagpupumilit maging mulat at makapagmulat kahit inaalat at laging salat.

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.