Naliligiran ng kaguluhan; mga taong walang pakialam at makasarili; nakalahad na mga palad sa lansangan at mga tirahang pinagtagpi-tagpi lamang. Ito ang kasalukuyang larawan ng bayang dating tinaguriang Perlas ng Silangan.

Nakalipas na ang ilang dekada ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nalalagot ang tanikala ng kahirapang kinalulugmukan ni Juan dela Cruz. Ito ang puno’t dulo ng lahat ng pangyayaring nararanasan sa kasalukuyan ng ating bansa. Kung bakit sa bawat sulok ng dilim nagaganap ang mga krimen. Kung bakit nawawala ang pagmamahal sa isa’t isa. Ang siyang dahilan kung bakit patuloy tayong sinasalubong ng mga maliliit at maruruming paang nakalahad ang mga palad na sana’y ang hawak ay mga panulat at papel. Kung bakit mahigit dalawang milyong pamilya ang nakararanas ng kagutuman at malaking bahagi ng sangkatauhan ay natutulog nang gutom sa gabi. Kahirapang hindi nagpatuntong sa paaralan sa halos sampung milyong kabataan.

Subalit hindi lamang ito ang sanhi. Hindi lamang ang tanikalang ito ng kahirapan ang nagpapahirap kay Juan dela Cruz. Kasama sa sapot na bumabalot sa ating bayan sa pag-unlad nito, ang pamahalaang bingi sa mga hinaing ng mga tao, bulag sa mga batang naglipana sa lansangan at manhid sa init at lamig na nadarama ng mga Pilipinong walang tirahan. Hindi ba’t silang mga nasa likod ng lingkurang bayan ang nangako ng kariwasaan sa ating bayan? Sa matatamis nilang dila narinig natin ang milyun-milyong hanapbuhay, pabahay at iba pang gabundok na mga proyekto. Isa ang pamahalaan kung bakit kinakailangang may mga taong natutulog sa lansangan kung mayroon namang mga lupain na maaaring pagtayuan ng kanilang mga tahanan at nang hindi nila pilit na isinisiksik ang kanilang mga sarili sa riles ng tren at tabi ng ilog.

Dapat na tayong mabahala. Sapagkat sa bawat isang kabataang tumitigil sa pag-aaral, humihinto rin sa pag-inog ang mundo. Ang mga pangarap at kagalingan ng mga kabataang ito na maaaring mga susunod na pinuno ng ating bayan ay nasasayang.

May pag-asa pa. Sapagkat ako’y naniniwala na sa likod ng mga kalawang ay minsa’y isang kumikinang na ginto. Ang ating bayan ay dati ng tinaguriang Perlas ng Silangan at maaari pa nating maibalik ito na tulad ng isang kumikinang na ginto kung aalisin natin ang mga kalawang na nakapalibot dito.

Ako, kami, tayo, bilang mga kabataang Pilipino ang lalagot sa tanikalang nagpapahirap sa ating Inang Bayan at siya ring tutulong upang alisin ang mga sapot at kalawang na pumipigil sa ating bayan sa pag-unlad. Sapagkat ako’y naniniwala, ang kulimlim na ulap ay lagi nang nahahawi upang bigyang laya ang haring araw sa muling pagsikat nito.

Mia Lavetoria

college student

Join the Conversation

62 Comments

  1. i love the way you organized this talumpati . I pick this as my project and I’ll memorize this even though it’s quite long. :)

  2. whew teinkz a lot :lol2: :) :) :)
    ng dahil sa’yo my talumpati na me..hehe..
    nd mgkapangalan pa tau..jeje :o :o :o
    mwuah mwuah :wink: :wink: :p

  3. salamat nakahanap din ng talumpati..cramming pa ko!..peo its a good for me dahil nakahanap ako at sa gumawa nito.tnx.makakatulong din sa ibang tao..:) :lol2:

  4. ,..,.,hehhehe ==))

    ang sarap pakinggan..bilib ako sa may gawa..! :)

    ..eto nlng ang ggmitin ko para sa filipino sub.nmin..

    parang ang dali kcng e mimorize.. :)

    tnx.. :-p

  5. ngayon ko lang ulit nabasa ‘to… hindi pa pala ko ganun kaganda magsulat dati.. :D thanks sa mga response. :)

  6. yahoo !!! my talumpati n kow !!!!! thanks sa inyo ! :)))
    keep it uo ! :))

  7. sayang .. .may nkagamit na nito sa section nmin T.T .kelangan ko po ng bagong talumpati .. .may alam po ba kayo?? :/

  8. Maraming salamat sa talumpating iyong ginawa,, nais ko sanang gamitin ito sa magaganap na patimpalak sa aming paaralan… kung iyong mamarapatin.. kung hndi nmn ay kukuhanan ko nlng ng ideya.. Maraming salamat..

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.