Taos-pusong binabati ng Mamamayang Liberal ang Akbayan sa kanilang tagumpay sa 2022 party-list elections. Isa itong pagkapanalo hindi lamang ng inyong organisasyon, kundi pati na rin ng lahat ng sektor na ating pinagsisilbihan.
Ang pagbabalik ng Akbayan Party sa Mababang Kapulungan ay mahalagang hakbang sa pagsisiguro ng mas malawak at mas makabuluhang representasyon ng mga nasa laylayan. Kaisa ninyo kami sa paninindigan na ang dapat tinututukan ay ang karapatan at kapakanan ng mga Pilipino, imbes na ang interes ng mga politikal na dinastiya o ng ibang bansa.
Nagbibigay rin ng pag-asa at inspirasyon ang inyong tagumpay habang papalapit ang 2025 party-list elections. Ipinapanalangin namin na mas marami pang party-list na tapat sa Pilipino ang magwawagi at magtutulak ng inklusibong pagbabago para sa ating mga kababayan.
Mabuhay ang Akbayan! Mabuhay ang Pilipinas!