(Talumpating binigkas ni Mong Palatino — unang nominee ng Kabataan Party — sa De La Salle-Greenhills noong Hunyo 27, 2007. Ang teksto ng talumpati ay galing sa kanyang blog.)

Naikot ko ang kalakhan ng ating bansa. Nakilala ko ang maraming tao. Nakausap ko ang maraming kabataan. Marami akong napatunayan. Lubhang nakapakayaman ng ating bansa. Tunay na natatangi ang ating yamang-likas. Napakabuti ng ating mga kababayan. Kaya nakakahinayang at sa kabila ng ating angking yaman, mayorya ng mga Pilipino ay naghihirap.

Kung dito lang tayo maglalagi sa Maynila, maaari nating isipin na napakadumi, mabaho, masikip at wala nang pag-asa ang bansa. Pero higit na makabuluhan, ngunit di pinapansin, ang mga nagaganap sa ating mga probinsiya. Sila ang higit na pinagkakaitan ng biyaya sa ating lipunan.

Maaaring marami sa atin ang problema ay mabigat na trapik, mabagal na Internet connection, ang nakaka-disappoint na Playstation 3; pero marami sa ating mga kababayan ang kanilang iniisip araw-araw, oras-oras, ay kung saan sila maghahanap ng pagkain para sa kanilang mga anak. Habang tayo ay inaaliw nina Ruffa Gutierrez, Gretchen Barreto at Paris Hilton, ang pinagkakaabalahan ng marami sa ating bansa ay paghahanap ng pera para ipambili ng mahal na gamot, upa sa bahay at damit para sa mga bata.

Sa aking paglilibot, nasaksihan ko ang mukha ng kahirapan: kagutuman. Hindi ba’t ito’y lubhang nakakalungkot? Perlas ng silangan pero walang makain ang mga tao. Nag-iisang Kristiyanong bansa sa Asya, at di ba’t ang turo sa atin ay love thy neighbor, pero marami tayong mga kapitbahay na pinagkakaitan natin ng tulong.

Masaya ang marami noong eleksiyon. Lahat ng pulitiko ay namimigay ng pera. Kahit ako, isang hamak na partylist candidate, ay hinihingian ng limos. Ganyan kalala ang kahirapan sa bansa. Ganyan kababa ang pagtingin ng mga tao sa ating mga lider.

Mula Luzon hanggang Mindanao, andaming kuwento ng korupsiyon, pandaraya, karahasan at pang-aabuso. Si Mayor nagpatayo ng palengke pero ibinulsa ang pera. Si Governor nagpatayo ng kalsada pero kalahati lamang ang tapos. Kandidato para sa konsehal pinaslang. Asawa ng kandidato dinukot. Guro sinunog. Mga nawawalang COCs. Hello Garci noon. Hello Bedol ngayon.

Kahit ang militar ay nakialam sa halalan. Nagdeploy ng sundalo sa mga komunidad dito sa Metro Manila. Ginawa nila ito upang takutin ang mga taong sumusuporta sa mga progresibong grupo. Dalawa sa aming pollwatcher sa Camarines Norte ang dinukot, saka pinaslang.

Marahas, madumi, mabangis ang halalang nagdaan. Hindi nakapagtatakang marami sa mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan, ang di aktibong lumahok sa halalan.

Kaso marami sa atin ang hindi nakuhang magalit sa halalang naganap. Ang pandaraya at karahasan ay pambabastos sa esensiya ng demokrasya. Nakakabahala ang pahayag ng ilan na natural lang naman daw ang korupsiyon, pandaraya, karahasan tuwing halalan. Ganito na ba kalabnaw ang ating pagpapahalaga sa ating demokrasya?

Ayaw kong sumali sa korus na pinapalutang sa mas midya na matured na raw ang ating mga botante. Hindi na raw tradisyunal ang eleksiyon. Hindi na raw uubra ang pagtakbo ng mga artista. Oo, may nanalong pari, sundalo at pilay sa eleksiyon. Pero kalakhan pa rin ng mga pulitiko ay mga tradisyunal o warlord. Marami pa ring asawa, anak, kapatid, kamag-anak ng mga magreretirong pulitiko ang nanaig sa halalan. Limang G pa rin ang kailangan para manalo: guns, goons, gold, garci and generals. (isama ang pang-anim, si Gloria).

Tapos na ang halalan. May nanalo, natalo, nandaya at nadaya. Ibig sabihin, tuloy ang buhay sa enchanted kingdom. Tuloy na ang mga demolisyon (lalo na sa Maynila), pagtaas ng presyo ng langis, jueteng at kalakalan sa droga. Masaya na ulit ang mga nangogotong: sa kalsada man yan o sa Commission on Appointments.

Ngayon na ang panahon para maghanda sa halalang 2010. Gawing moderno ang halalan. Palitan ang namumuno sa Comelec. Ipagbawal ang mga dinastiya. Patatagin ang political party system. Higit sa lahat, kailangan natin ng pagpapanibagong-hubog sa kultura, gawi, at praktika sa usaping pampulitika sa bansa.

Sa inyong lahat, mga susunod na lider ng ating bansa, matuto kayo sa mga kamalian namin ngayon. Sana’y higit ninyong bigyang pansin ang poblema ng ating lipunan.

Mong Palatino

Activist, blogger, and political journalist. Visit him at mongpalatino.com or email him at mongpalatino[at]gmail[dot]com.

Join the Conversation

43 Comments

  1. pliss poe…kailangan ko ng talumpati..maraming wika,matatag na bansa poe ang tema…
    cge na poe..
    kau lng poe makakatulong sa akin
    aasahan ko po yan…
    sana poe hanggat sa lalong madaling panahon pra maja pagprepared aw…
    thanks poe

  2. plis poe..pkigawa aq ng talumpati…”maraming wika,matatag na bansa” yan po ang tema…sana poe ngaun na…eto po e-mail add q,,,lovelygurl_162000@yahoo.com…
    sana pagbigyan nio poe aq…pambato po aq ng skul nmin eh…

  3. hi., ang ganda ng talumpating ginawa mo…talagang totoo sya.
    pwede po ba akong humingi ng talumpati ukol sa wika…..
    SALAMAT PO..

  4. maraming salamat po! at ako ay may assignment na…more power sa mga contributer sa website na to! sana marami pa kayong ma cocontribute sa mga istudyante…

  5. TO ANGELA:

    contestant ka ba for Tagisan ng Talino? what division? anong school? just wanna know….

  6. salamat sa mga natatangang taong tulad mo ang nakapagbibigay inspirasyon sa napakaraming kabataang tulad ko…. salamat po!!!! patuloy kong tinatangkilik ang iyong mga talumpati…

  7. salamat sa mga natatanging taong tulad mo ang nakapagbibigay inspirasyon sa napakaraming kabataang tulad ko…. salamat po!!!! patuloy kong tinatangkilik ang iyong mga talumpati…

  8. ellow po,.
    ang iyong talumpati ay napakahusay,.
    may marara,daman ka talagang galing sa puso,.
    kaya’t gagamitin ko po ang iyong talumpati upang matauhan ang aking mga kaklase kong natutulog sa katotohanan,.

    at para mapalaganap kung ano ang totoo,.

    at ako’y nagpapasalamat sa iyo,.

    at more powers!
    godbless,.

    yngatz,.

  9. tkniks poh… kc gnda ng nlalaman ngayn mrn n aqong report para s monday……????? salmat ult ingat. godbles,,,, u poh,,,,

  10. Meron po kami assignment tungkol sa “Hangad ko ang rebolusyon tungo sa kaunlaran”
    Tulungan nyo naman po ako.sige na po please.

  11. wow…galing..nakahanap nako ng kasagutan sa aking mga ass..ito na po ang da best na talumapati..may sense of humor pa..

  12. anG habA..kAkaLokA! 2m kOh na irerecitE 2..
    cArry lng yAn..
    thNx,meon nkOng irErecitE..
    thAnk GOD..
    Godbless us all..
    gUdluck zAkin..!
    wAhehEh..!byE

  13. Mong Palatino, napakahusay ng iyong ginawang talumpati. Tama ang lahat ng iyong sinabi ukol sa ating bansa at sa mga WALANG KUWENTANG lider. Sana’y mabasa nila ito upang sila ay matauhan (kung matatauhan nga) sa kanilang pagnanakaw sa sariling bansa. Ngunit sa iyong huling dalawang talata, hindi yata mangyayari ang pagbabago na sinasabi mo. Karamihan sa ngayon ay mga TAONG WALANG DISIPLINA.

    Maraming salamat at maaring isa ka sa magiging mabuting lider ng ating bansa. Keep up the good work! ^-^

  14. napakaganda po ng iyong nagawang talumpati…sana po ay mabasa lhat ng tao ang iyong obra..lalo na po ang mga nasa pulitiko….maraming salamat!!

  15. huh..don’t judge d person…no body’s perferct..

    and all of happening inside maybe outside our country ..God have d reason why that’s all happen,.

    either Good or Bad..it’s all from God..’

    God Bless

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.