Masama nga ba ang pagsasambit ng mga salitang Ingles? Para sa ‘yo, hindi. Para sa iba, malamang, oo. Hindi natin masasabi. Pero, nagtataka ako? Di ba’t iyong mga ‘yon ay salitang-hiram lamang? Bakit parang ngayon ay salitang-angkin na? Kaya pa kaya nating ibalik ang dating kabataan — konserbatibo, magalang, rumerespeto? Ibang-iba na tayo. Maski ang mga opisyal ay Ingles na rin ang ginagamit na wika sa pag-aanunsiyo. Hindi naman sa sinasabi kong masama ito. Sa katunayan nga ay lahat halos ng isunusulat ko ay Ingles. Lahat halos ng pinakikinggan ko ay Ingles.

Meron pa nga bang pag-asa? Oo, meron pa. Kung iisipin natin, hindi tayo nawawalan n’yan. Kilala nyo ba sina Jack Canfield at si Mark Victor Hansen? Kung hindi, sila ang dalawang taong nag-publish ng Chicken Soup for the Soul. Alam n’yo ba na sa bawat isandaang taong tinanong nila tungkol sa mga motivational essays at inspirational short stories ay may sumagot na iisang tao lamang? Nakita n’yo ba kung gaano nila ginusto na mailabas ang librong ‘yon? Ginawa nila iyon dahil sa pagkatuyo ng iba’t ibang aspeto ng buhay ng mga tao at hindi dahil sa pera o popularidad. Parang ganoon din sa ating bansa. ‘Wag tayong mawawalan ng pag-asa dahil sa bawat isandaang taong kakatukin natin sa puso, mayroong isang magbubukas.

Join the Conversation

4 Comments

  1. Para sa akin, hindi maiiwasan ang paggamit ng salitang banyaga. At gaya mo, karamihan rin ng aking binabasa at pinakikinggan ay Ingles. Masarap man pakinggan at basahin ang matatas na paggamit ng sariling wika, madalas ito ay ‘di angkop sa pang araw-araw na pag-uusap. Karamihan ng tao ay gumagamit ng Ingles sa pakikisalimuha sa propesyonal na daigdig, at impormal na Filipino (kasama ang salitang balbal at/o Tag-lish) sa pang-araw-araw na pananalita.

    Ngunit hindi ito hudyat ng paglubha ng ating lipunan, ang pagiging praktiko at pakikibagay sa patuloy na nagbabagong mundo ang dahilan ng paggamit ng mga salitang-hiram.

    Ang pagbaba ng kalidad sa pangpublikong paaralan, malubhang kahirapan, at kalokohan sa ekonomiya ang may masmalaking epekto sa pagkawala ng tradisyonal o konserbatibong pagpapahalaga.

    …siguro mas mabigat pa ang epekto ng SHOWBIZ sa masa.

    but i don’t think there’s hope for the entertainment media… they only serve to perpetuate mindless consumerism and to uphold status quo (ugh, shows that dumb down the masses! have to wait for ALL those ***** shows to finish just to watch late-hour docu and news. imagine a responsible local tv station with more educational programs, longer news coverage and less CRAP! oops, i’m ranting…) paumanhin ^_^;

  2. Naniniwala ako na ang wikang Filipino ay para sa mga Pilipino. Nakakatawa nga ang ating mga kalahok sa mga pageant ay nagpupumilit na mag-Ingles, samantalang sila naman ay Pilipino. Bakit hindi natin gayahin ang ibang bansa na kumuha ng mga tagapagsalin para maipakita na mahal natin ang ating wika, ang ating pagkakakilanlan. Oo, mabigat ang epekto ng media sa masa, pero kung MATALINO ka, hindi ka basta papadala sa agos ng tubig, kung may sarili kang utak ay hindi ka papaalipin sa wikang Ingles dahil sa ayaw mo man o sa gusto, PILIPINO ka!

  3. napakalaki ng ating pagka-mamamayan-ng-bansa ay naimpluwensya hayag man o hindi, konsyus man tayo o hindi ng kolektibong karanasan-kasaysayan ng mga mamamayan ng bansa. may inaangklahang pagtingin at kaisipan sa identidad at pagkabansa ang ating pagkiling sa isang lenggawahe kumpara sa isa.

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.