Maikling Talumpati ni Gng. Cristina Garcia Mendez, ina ni Cris Mendez, sa National Conference to Stop Hazing noong Disyembre 11, 2007 *

Magandang umaga po sa inyong lahat.

Ilang linggo lang po ang nakakaraan ay nagtagumpay kaming buksan ang mga e-mails na natanggap ng aking anak na si Cris Mendez bago siya pumanaw noong August 27, 2007.

Isa po sa mga huling e-mails na natanggap niya ay may petsang August 22, 2007 na ang title ay “Sigma Rho Tenets.” Galing po ito sa isang nagngangalang Jj Ocana na sinabi niya sa anak ko na memoryahin daw ng anak ko ang mga tenets ng Sigma Rho at idinugtong niya na “see you on saturday. we are looking forward to having you as a brod.”

Doon po sa ipinadala ni Jj Ocana na Sigma Rho Tenets ay kasama yung mga sinasabi niyang “Codes of Action of a Sigma Rhoan.” Ang pinaka-number one po sa mga Codes of Action na ito ay ganito ang sinasabi: “To stand by the side of any brother Sigma Rhoan right or wrong.”

Kahit nakagawa ng mali, kakampihan pa rin nila ang brod nila. Kahit gumawa ng krimen, o pumatay ng tao, pagtatakpan pa rin nila ang brod nila. Walang kwenta sa kanila ang Diyos. Ang batas ay bale-wala rin. Kahit bulong ng konsensya nila ay di pinapansin.

Mag-aapat na buwan na po mula nang saktan at kitilin nila ang buhay ng kaawa-awa kong anak. Ang napakabait kong anak. Kami po ay isang mahirap na pamilya lamang at ako po ay umabot lamang sa high school. Wala po akong gaanong alam sa mga fraternities at ang kanilang mga ritwal. Ang alam ko lamang po ay ang itinuro sa akin ng aking mga magulang na itinuro ko rin kay Cris at sa bunso niyang kapatid na si Renz. Ito ay ang magkaroon ng takot sa Diyos. Ang paggawa ng tama. Ang pagmamahal sa kapwa. Ang pagharap sa responsibilidad at paggalang sa batas. At ang paghingi ng tawad sa kapwa pag nakagawa ng mali.

Yung ito lamang po sana ang tenets ng mga fraternities hindi po siguro nangyari ang nangyari sa aking anak.

Salamat po.

* Si Cris Mendez, nasa ikaapat na taon sa kursong public administration sa UP, ay patay na nang dalhin sa Veterans Memorial Medical Center noong madaling araw ng Agosto 27, 2007. Sumailalim siya sa hazing ng Sigma Rho fraternity bago siya bawian ng buhay.Ang National Conference to Stop Hazing ay itinaguyod ng Solidarity for Anti-Hazing Via Education at UP Student-Led Anti-Hazing Watch. Ang kopya ng talumpating ito ay mula sa blog ni Marian Panganiban, ang kinatawan ng School of Economics sa University Student Council.

Tinig.com

Isang e-zine para sa mga kabataang Pilipino ang Tinig.com. Naglalathala ito ng mga personal na sanaysay, tula, dula, maikling kuwento, balita at lathalain, komentaryo tungkol sa pambansang usapin, at iba...

Join the Conversation

9 Comments

  1. Para sa akin ang mali doon wag sana kayong magalit para saakin ang may kasalanan doon si Mendez o parents niya. Kung ating iisipin bakit siya sumali doon pwede kanman mgkron ng maraming kaibigan na hindi sumasali sa sa organization nayan.

  2. para namn sakin hindi si mendez ang may kasalanan kundi ang mga pinuno ng fraternities na yan dahil na naman kailangan nyan pero bakit marame sa lahat ng kolehiyo dba??
    sumali kba jan para masaktan ka lang??? common sense

  3. dati p naman kc yang ginagawang routine na yan xa mga fraternities eh. Sa tingin ko, cnadya ang pagkapatay dyan kay Mendez at ginamit lng na panakip ung gnawa nila para hindi diretso macC sa kanila ung pagpatay.
    Iba n ksi ngaun ung mga frat di katulad DATI!!!!!!!!!

  4. ..bkit kC neeD xUmaLi uNg iba xa FRat,?

    ..hndi nmn k nmn UunLAN pg my fRAT K..!

    ..my nakiLA2 Nvb kEONg yUmamaN dhiL xa fRAt,,?

    .,.kUMg aqo xainyo..pakabait nLng kEo..!

    ,,dat’x alln thank u..

  5. sa mga magulang nagsimula ang pagtraining sa mga anak para hindi mawala sa landas ang buhay ng mga anak

  6. mgandang umaga po! sa lahat,dapat ang kabataan ay masunurin sa magulang kahit ano ang gawin ng mga magulang kapag ang anak baliwala rin ang lahat,dapat piliin natin ang mga kaibigan na mga mababait, ang mga magulang hindi nila hahayaan na ang kanilang mga anak ay mapahamak.

  7. hnd ko alam na pati pala sa UP ay may mga tangang estudyante…. sinasayang ang knilang buhay para sa mga walng kwentang fraternities!!!! mga mangmang!!!

  8. anu ba ang mapapala nila sa mga frat na yan
    para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili
    ganun walang kwenta….
    magdasal nalang ako………

  9. ganun ba yun walang kwenta ang batas
    pero ang diyos naman ang nakaka-alam sa batas……..

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.