Ngayon, susubukan kong maglakad patalikod
upang balikan…
sapagkat ang buhay ay naglalakbay,
naglalakad patungo sa nakaraan
mga panahong sa pagpikit ng mata
at maghihintay sa durungawan
ay di na kita matatandaan kinabukasan
sapagkat ang buhay ay naglalayag,
naglalakad patungo sa kasalukuyan
mga panahong sa paglingon
ay naroon ka sa aking tabi
kahit nanggagambala ang bangungot sa gabi
sapagkat ang buhay ay nananaginip,
naglalakad patungo sa hinaharap
mga panahong sa higaan
ay naroon ang iyong mukha
kahit parte ka na lang ng aking pangungulila
Muli, susubukan kong maglakad patalikod
upang talikuran…

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.