Love story na naman?!

Hindi ba kayu nagtataka kung bakit puro love story na lang ang ginagawang pelikula sa sinehan at telebisyon dito sa Pilipinas?

Hanggang dito na lang ba ang kakayahan ng mga Pilipino pagdating sa paggawa sa sining ng pelikula?

Marami akong napagtanungan na manonood at ilang mga tao na may ibaâ€t ibang propesyon. Sinabi nila na romantiko kasi ang mga Pilipino kaya ito ang madalas na pinagtutuunan ng pansin ng mga director. Alam nila na tatangkilikin ito. Iyong iba naman, sabi nila’y baka natatakot lang ang mga lumilikha na ibahin ang timpla ng Pilipino pagdating sa panonood ng pelikula. Natatakot silang malugi ang pelikula kung hindi ito love story.

Pero bakit iyong ibang pelikula ng banyaga, kahit hindi love story eh pinapanood ng tao?
Mapa-comedy;
Mapa-action;
Mapa-horror;
Mapa-suspense;
Mapa-fiction;
Mapa-animated;
o 3D?

Kung baga sa pagkain eh puro adobo na lang ang ihinahain sa tao. Ibaâ€t ibang klase nga lang ng pagluluto, pero adobo pa rin.

Bakit ko ba ginawa to?

Gusto ko lang marinig ng mga lumilikha na may mga taong naghahanap ng ibang timpla ng pelikula. Walang love story, walang love team, isang sining ng babago sa panlasa ng mga Pilipino.

Matalino ang mga Pilipino pagdating sa sining. Alam ko na kayang gumawa ng ibang putahe ng mga direktor na kahihiligan ng manonood at tatangkilikin ito.

anne

simpleng babae at praktikal. hindi rin ako ganun kasing talino tulad ng inakala ng ibang tao 'pag nla2man kun ako ang course ko. mas binibgyan ko ng diin ang mga praktikal na kailangan kaysa sa ginugusto...

Join the Conversation

2 Comments

  1. nabibigyan na rin naman ng pagkakataon ang mga indie (indipendent) films sa industriya ng pelikula dito sa bansa natin. karaniwan, ang kwento ng mga ito ay mga isyung panlipunan o mga suliranin na karaniwang nasusumpungan sa pamumuhay natin bilang mga Pilipino. ako, mas gusto kong manood ng mga indie films. :)

  2. totoo ka aking ka tinig, simula pa nang mauso ang puting tabing e may love story nang nabuo sa isip nang pinoy, di man ako ganong katanda e, masasabi talagang kundi ka ipapatner sa isang FPJ ay doon naman sa mala Angel Locsin ang dating nang leading lady mo, hehehe ang totoo itong malahiganteng mga kompanya nang pinekula pilipino ay talagang sigurista, gusto lang kumita’ dumoble ang kanilang kita kung pupwede e triple, kahit walang kuwentang istorya pero mga paboritong artista tiyak kikita sila, hehehe’ kaya paglabas mo nang sinehan daig mo pa ang hinoldap, buti na lang malamig sa loob nakukuntento pa ang katawan mo, pero dahil nagkakaisip na ang batang na nonood nang going bulilit, ayan pinagsasawaan na ang gawang pinoy, mas ok pa sa kanila ang magbasa nang komiks di man makatotohanan ang dating e lumilipad naman ang kanilang pag-iisip, hehehe’ nakakatuwa pero pag iisipin muna nalulungkot na ako, binaog na tayo nang husto nang mga kapitalistang lapastangan sa ating kalayaan, ang umiiral parin ay ang kagustohang tumubo nang limpak limpak na salapi nitong iilan na nagmamaniobra nitong utak at damdamin ni juan de la cruz, grabe di ba’ kaya minsan kapag manonuod ka nang sine mas gusto mong huwag nang lumabas dahil sa lamig na pumapawi nang hirap at init nang iyong katawan.. ang palabas mamaya kapag nakatulog na ako.. huwag kang maingay…

Leave a comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.