Isa akong estudyante sa University Belt na apektado ng naka-ambang pagtaas ng pamasahe sa pampublikong transportasyon, na kinabibilangan ng LRT at MRT. Marami na akong naririnig, nababasa at napapanood na kabi-kabilang rally sa mga lansangan dahil sa isyung ito. Sabi ng mga nagpoprotesta, “Mahal pala ang pamasahe sa matuwid na daan!”

Hindi ako mahilig makialam sa mga pampulitikang gawain. Marahil ay dahil na rin ito sa nasaksihan ko na ang dumi at dungis ng ating gobyerno. Pero dahil nga sa isyung ito, napapaisip ako: Kulang nga ba talaga ang pondo para sa pagme-maintain ng LRT at MRT? O hindi kaya may mga tao sa likod nito na nagnanakaw sa kaban ng bayan?

Sa tingin ko ay sapat naman ang budget para dito. Kahit hindi na magtaas ng pamasahe ang gobyerno, kaya nitong magbigay ng maginhawang transportasyon para sa mga Pilipino. Sa aking palagay, hindi kulang ang pondo. Nababawasan ito dahil sa mga magnanakaw na pulitiko. Maaaring natutuwa na ‘yung mga ‘yun dahil magtataas na ang pamasahe at marami na rin silang mananakaw.

Hindi natin dapat isisi ang lahat ng ito sa pangulo. Maganda ang kanyang hangarin. Gusto lamang niyang guminhawa ang mga Pilipino. Gusto lang niyang palakihin ang pondo para dito upang sa gayon ay mabigyan tayo ng maginhawang paglalakbay sa bawat araw na dumaraan. Subalit kung ang kanyang mga tauhan ay magnanakaw at kulang sa maayos na sistema, sila ang dapat habulin dito.

Norman Vincent Peñaflor

Si Norman, 19, ay estudyante sa Maynila.

Join the Conversation

2 Comments

  1. Wala akong pake
    Wala akong pake kung tumaas ang pamasahe
    Wala aokng pake kung tumaas ang gas
    Wala akong pake kung tumaas ang kuryente at tubig
    At lalong wala akong pake kung magmahal lahat ng bilihin sa Pilipinas

    KUNG umuunlad ang pamumuhay nating mga Pilipino, Wala sana akong pake sa mga nangyayaring pagtaas.

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.