Ederic EderNitong nakalipas na Kapaskuhan, hinikayat ng Yahoo! ang mga netizens na gumawa ng mabubuting bagay sa kapwa at ibahagi ito sa mga social networking sites upang magsilbing inspirasyon sa iba. Ganito ang naka-post sa “Yahoo! Philippines How Good Grows: Ripples of Kindness” campain website:

Your single good deed, big or small, can inspire others and cause a ripple effect of kindness that continues to grow as others join in. Start something today — the more people who take action, the larger your ripple will become.

Kapag nag-post ka ng status message sa How Good Grows website, maaari itong awtomatikong ma-post sa Yahoo! Updates, Twitter, o Facebook account mo. Ilalarawan ang iyong act of kindness ng isang tuldok sa site. Sa bawat ma-inspire at mag-like sa iyong status update, magkakaroon ng kilapsaw (ripple) ang tuldok. Habang dumarami ang nagla-like, lumalaki ang iyong ripple of kindness.

Sa Pilipinas, nakipag-partner ang Yahoo! sa 2009 CNN Hero of the Year na si Efren Peñaflorida at sa kanyang organisasyong Dynamic Teen Company upang pangunahan ang kampanya.

“Each year Yahoo! helps raise awareness about the importance of year-end giving. This year, we are proud to have Efren Peñaflorida and the Dynamic Teen Company as partners for the Yahoo! Ripples of Kindness campaign. Efren is a perfect example of how a regular person can make a big difference in the lives of others through small acts of generosity and, with him onboard, we hope to inspire the same from other Filipinos,” ani Jack Madrid, country manager ng Yahoo! Philippines.

Ikinatuwa naman ni Kuya Ef na maging bahagi ng kampanya: “We are happy to join hands with Yahoo! for this campaign. I am happy to encourage people from all walks of life to do small acts of kindness and inspire greatness.”

Sa simula, medyo dyahe ito para sa mga nais makiisa sa Ripples of Kindness. Tinuruan kasi tayong ang mabubuting gawa ay hindi dapat pang ipangalandakan.

Pero di naman kinakailangang malaking bagay ang kinailangang gawin. Sapat na ang mga maliliit na bagay gaya ng pamimigay ng lumang damit, panlilibre sa pamasahe ng mga nakasabay, pagpapakain sa mga streetkids, pag-akay sa matandang tumatawid sa kalsada, at iba pa.

Kabilang sa mga kontribusyon ko sa proyektong ito ang pagbibigay ng mas malaking tip sa mga tsuper ng nasakyan kong taxi at panlilibre sa mga bata sa Jollibee. Mga simpleng bagay, pero di matatawaran ang pakiramdam kapag nakita mo ang katuwaan sa mga mukha nila.

Bukod pa rito, mas mahalagang isiping ang mumunting mabubuting bagay na gagawin mo ay maaaring makapagtulak sa iba — lalo na sa mga tumanggap nito — upang gumawa rin ng kabutihan sa kapwa. Pay it foward, ika nga.

(Disclosure: Ang may-akda ay empleyado ng Yahoo! Philippines)

Ederic Penaflor Eder

Si Ederic, 40, ay founding editor ng Tinig.com. Ipinanganak sa Batangas at lumaki sa Marinduque, nagtapos siya ng peryodismo sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman noong 1999. Mababasa rin ang kanyang mga...

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.