Isang pag-aaral nina Maria Rhea Paz De Guzman, Bernadette Cris Festejo, Sienna Karina Floresta, Denise Gabrielle Imbao, Jayme Ann Jemimah Jalandoni, Mary Grace Marteja, Jessica Aubrei Pajimna, Joan Alessandra Sibal, at Marie Elizabeth Yap ng Unibersidad ng Santo Tomas.
Layon ng pag-aaral na tuklasin kung may kinalaman ang oras sa kahusayang pang-akademiko ng mga mag-aaral at kung paano ito nakakaapekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral at pagtuturo ng mga propesor.
Nagsagawa ang mga mananaliksik ng isang sarbey at panayam sa mga mag-aaral sa unang taon sa Kolehiyo ng Narsing sa Unibersidad ng Santo Tomas upang malaman kung sila ay may ideya sa konsepto ng time management.
Napag-alaman ng mga mananaliksik na may kaugnayan ang oras sa pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtuturo ng mga propesor. Nagagamit ng karamihan sa mga mag-aaral ang time management upang mas mapadali ang kanilang pag-aaral at mabawasan ang sobrang pagkahapo.
Inirekomenda ng mga mananaliksik na gamitin ng mga kapwa mag-aaral ang time management upang mabigyang prayoridad ang mga dapat gawin at tapusin kaagad.