Kalayaan — isang terminong t’wing naririnig natin ay may hatid na kirot sa ating mga puso. Bakit kaya? Napakahalaga nito sa isang bansa, isang lipunan, sa iyo, sa kanila, pati na rin sa akin.

Ilang daang taon na ang nakalilipas, napasailalim tayo sa mga lintek na dayuhang wala namang karapatang kamkamin ang ating bansa, wala namang karapatang saktan at pagmalupitan ang mga Pilipinong naghahangad lamang ng kalayaan at kabutihan para sa kanyang kapwa Pilipino. Pero ngayon, masasabi ba natin na tayo nga ay ganap na malaya? Maaaring oo at maaaring hindi.

Minsan, ang ating sarili mismo ang sumusupil sa ating karapatang maging malaya, katulad na lamang ng hindi pagtutol sa mga bagay na hindi naman talaga dapat nagaganap. Ang kalayaan ay ang pagpapahayag ng damdamin. Kaya kahit anuman ang mangyari at kung sino man ang manggago sa ‘yo, ‘wag kang papayag. Kahit si Ma’am, si Sir, si ganito, o si ganire.

Hindi masamang magpaliwanag, walang masama sa pagsasalita. Ang masama ay ang hindi pagkibo. Sige ka, mapapanisan ka ng laway. Kailangang araw-araw nating ginagamit ang ating pagiging malaya, kahit saan, kahit kailan.

Sa paggamit nito, matutulungan natin ang ating mga sarili na hindi maapi at magpaapi sa iba. Makakatulong rin itong makapagpataas ng ating pagkatao, pati ng ating integridad.

Kaya nga, bakit ka matatakot, bakit ka papaapi? Kung tama ka naman, magsalita ka!

Join the Conversation

11 Comments

  1. praktika at teorya tapos praktika tapos teorya ulet..

    “Hindi masamang magpaliwanag, walang masama sa pagsasalita. Ang masama ay ang hindi pagkibo. Sige ka, mapapanisan ka ng laway. Kailangang araw-araw nating ginagamit ang ating pagiging malaya, kahit saan, kahit kailan.”

    pagkabasa ko neto napaisip ako bigla..

    naisip ko.. madalas kulang ang salita.. minsan sumasakto naman sya pero madalas talagang kulang pa din.. lalo na kung ang demokrasya dito sa atin eh isang salita lang sa esensya.. pag minura mo ang isang pinuno dahil sa pagkadiskontento otomatik yari ka.. pag sinalungat mo siya, otomatik komonista ka (hindi man ganon pero halos ganon na din.)

    bigla naisip ko din..
    kulang ang salita.. aksyon ang pinakamabisang armas para sa positibong pagsulong.. kaya lang mas hindi ka malayang gumawa ng ganon.. kahit libo-libo pa kayo sa hanay.. kahit me artista o kilalang tao pa ang kabilang sa inyo.. ganon pa man, nakakatuwang malaman na sa kabila ng pagsikil ng kalayaan sa gusto nating gawin.. madami pa din ang hindi nawawalan ng lakas ng loob na sumalungat sa agos.. dahil sa pagtingin ko.. ganon ang pinoy.. lumalaban para sa tama at hindi sumasang-ayon sa malinaw na mali!

  2. nu yan????
    talumpati para sa sarili???
    o para sa pangkalahatan?????
    komento ko, and2 lng….
    hagilapin moko…

  3. james!!!!!!!!!
    eto boots of travel ohh….
    kaya mo ba magstruggle pra sa mga mabababa???????
    tama ang aksyon!!!!!!!!….
    pero panu ka makakagawa ng aksyon
    kung hindi mu alam kung pano papangunahan…..

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.