Sa halalang ito, kapansin-pansin ang hayagang pagpaling ng ilang pribadong institusyon ng midya sa isang partikular na kandidato.
Bagamat wala sa kanilang opisyal na mga pahayag, panuntunan at kondukta ng operasyon, hindi lang ang kampo ng Nacionalista Party (NP) ang nakakapansin na ang ABS-CBN ay may obvious na leaning pabor sa kandidatura ni Noynoy. Pero dahil hindi ito ang pangunahing diskurso ng artikulong ito, hindi na muna natin tatalakayin ang mga Paano at Ano na nakakabit sa usaping ito.
Ang Psyche Report
Ang isyu ngayon: ang umano’y paglalabas ng ABS-CBN ng ulat hinggil sa isang Psyche report na nagsasabing si Noynoy Aquino ng Liberal Party (LP) ay may problema sa utak.
Pagputok na pagputok pa lamang nito, maraming reaksyon ang agad na nagsilabasan.
1. Sa kampo ng LP – NP ang agad na inakusahang nagpalabas ng balita.
2. Sa kampo ng NP – agaran at mariing pagtanggi sa akusasyon ng LP.
3. Sa kampo ng ABS-CBN – paninindigan na totoo ang kanilang report.
4. Sa kampo ng Ateneo – pineke umano ang lagda ng rari doon at wala umanong report na ganun.
Na sinundan agad ng panibagong mga reaksyon.
1. Sa kampo ng LP – pagkundena sa NP at conclusive na pagtukoy sa NP bilang source ng balita.
2. Sa kampo ng ABS-CBN – pag-amin na galing sa NP ang source (sabay ng pagrefresh nila sa viewer ng balita na unang nabanggit ni Sen. Alan Cayetano ang “TOPAK ni Noynoy” but with a different meaning) pero pag-invoke ng kanila umanong right to protect their source/s para hindi mapangalanan kung sino ang source nila umano.
3. Sa kampo ng NP – paghamon sa ABS-CBN na pangalanan ang source para malaman kung totoo ngang galing sa kanila ang balita, at paghamon kay Aquino na linawin na lamang ang isyu.
Sa gitna ng palitan ng mga reaksyong ito, lumalabas ang tanong sa midya: bakit ilinabas ng ABS-CBN ang balita? Ano ang basis of truth nila sa impormasyong nakalap para ilabas ito sa kaalaman ng madla? One fact, ang impormasyon ay kumakalat na sa internet bago pa man ito nailabas ng ABS-CBN.
Hindi ba naisip ng naturang network na sakaling totoong taga-NP nga ang nagforward sa kanila ng datos ay di pa rin wastong sabihing ito rin ang pinagmulan ng datos? Kahit pa anong paraan ang gawin ng ABS-CBN para papaniwalain ang mamamayan na kasapi o kakabit ng NP ang taong nagbigay sa kanila ng umano’y “psyche report,” lalabas na hindi pa rin credible ang kanilang pag-uulat, dahil lagi nang bukas ang posibilidad na ang taong nagforward sa kanila ng datos ay pumulot lang ng impormasyon sa mga blog na una nang nagbandera ng naturang psyche report.
Sa praktika ko bilang mamamahayag, bago ko gawan ng balita at ilabas ang nakalap na datos, inaalam ko ang batayan ng katotohanan ng mga datos na ito. Marami kasing sinungaling na source sa ating paligid. Kaya nga umatras na ako sa pagiging news reporter. Ano ngayon ang naging batayan ng ABS-CBN para ilabas ito?
Halaga ng Datos o Suporta sa Image Building ni Noynoy?
Well, kung sa halaga ng datos, masasabing walang kwentang palusot na ito ngayon, lalo pa’t may isang paring sumisigaw na hindi ito totoo at pineke lang ang kanyang pirma dito. Ang paring ito’y nasa Ateneo lamang at madaling tanungin para maverify ang ‘report,’ at sa oras na pinasinungalingan ng pari ang katotohanan ng psyche report, napakadali sa ABS-CBN na iatras ang pag-uulat hinggil dito, sa ngalan ng patas na pagbabalita. In private maaaring kwestyunin ng reporter ang kanyang source at pagsabihan na hindi na niya ito muling i-entertain as a source pag puro kasinungalingan lang ang impo na ibabato nito sa kanya. Or the reporter can verify the veracity of the information dun mismo sa kanyang source.
Dahil pumalya ang ABS-CBN sa aspeto ng katapatan sa paggampan sa kanilang tungkulin bilang midya, bumibigat ngayon ang paniniwala ng karamihan na ang motibo ng naturang network ay ang tulungan ang LP sa pagsira sa imahe ng NP and in effect, sa kandidato nitong si Sen. Manny Villar.
Oo nga naman. Ang nais nilang paputukin ay hindi ang sira sa ulo ni Noynoy. Ang nais nilang paputukin ay ang paggamit ng NP ng dirty tricks para sirain si Noynoy. Kaya kahit alam nilang di totoo ang balita, kanila pa rin itong inilabas, explicitly identifying their source as NP people but not naming them, para hindi na matukoy kung tama o mali ang balita at kung saan nga ba talaga nagmula ang impormasyon na may sira nga ang tuktok ni Noynoy.
At ang kanilang kalasag: ang kanila umanong pagprotekta sa kanilang source.
Ang Korporeyt na Midya at ang Kalayaan sa Pamamahayag
Ilang beses nang ipinagsigawan ng mga mamamahayag na nasa korporeyt na midya, ang pagtatanggol umano nila sa kalayaan sa pamamahayag sa bansa. Ilang ulit na rin nating natunghayan ang kanilang mga krusada para sa pagtatanggol sa kalayaang ito. At sa pagkakataong ito, bukambibig ng ABS-CBN ang press freedom kasabay ng paggamit nila sa prinsipyo ng pagtatanggol sa source.
Ang motibo: para itago ang sagot sa mga tanong na nailahad na sa itaas.
Ang kaganapang natutunghayan natin ngayon ay nagpapakita na wala namang totoong kalayaan ang midya sa bansa. Dahil kontrolado ito ng korporasyong kaututang dila naman ng naghaharing politika, ang corporate media ay nagsisilbi lamang mouthpiece ng mga naghaharing uri. Kanilang sasabihin ang mensaheng nais ipakalat ng korporasyon: mga mensaheng magsisilbing investment nila para sa mas maalwang kinabukasan ng kanilang negosyo sa ilalim ng gobyerno ng pinapaburan nilang kandidato.
Kung sira si Noynoy, masuerte ka dahil di ka sirarsira kapatid. let us pray that you won’t reach that point. we eaily judge people but we don’t really who we are. Judge not to others so that God will not judge us. You know, kahit sino pa man siya, I SALUTE HIM FOR ACCEPTING THE CHALLENGE TO RUN FOR THE PRESIDENTIAL CANDIDATE! HE IS SO BRAVE AND YOU, YOU SHOULD BE VERY CAREFUL, SO THAT YOU WILL NOT BE JUDGE BY OTHERS TOO. MAHIRAP MAKARMA KAPATID!
GOD LOVES US.
its not being judgmental, (referring to the comment above) its being fair of the truth.. and I salute whoever posted this article/blogentry thing..pls do use the word of God in here..it doesnt makes sense..
to you sir whom created this.. I COMPLETELY AGREE
@lumen: hindi mo ba binasa ng maayos ang article? hindi ito patungkol kay noynoy kundi sa abs cbn. Looks like you don’t know what you’re talking about..Lumen, read and re-read the article 10 times just so you know.
@Alexander: obvious naman ang pagpanig ng abs kay noynoy lalo na sa mga debates nila. very editorial ang line of questioning sa mga other presidentiables. also, hindi naman talga sila nagbabalita , they’re more of twisting the facts then adding some intrigue to sensationalize an issue. alam kasi nila na ito ang gusto ng masa and most of their viewers are masa. They think Filipinos are that dumb.