Si JDV wala na sa pagiging speaker — kinana nya si Gloria sa speech nya. Parang may pasasabugin pero wala naman. Yung mga sinabi niya, dati na ring may nagsasabing iba. Ang kaibahan nga lang, ang nagsalita ngayon ay dating kakampi ni Gloria. Muntik na ‘kong mapahanga. Buti na lang naalala kong pulitiko nga pala sya, he he he.

Matagal nang senaryo ang ginagawang paglilipat-lipat ng partido ng mga pulitiko. Yun ay hindi na natin dapat pang pinagkakaabalahan. Sa mga gawain nilang ganito, ang kapakanan ng bansa ang nababalewala. Sa Malakanyang, sa Senado, sa Kongreso, ang labanan ay batay sa dami ng karga mong tae sa katawan kapag humaharap ka sa plenaryo, debate o usapan.

Ang pulitiko ng bayan natin ngayon ay dinadaig pa ang mga artista at modelo sa pagpapasikat. Inaalagaan ang public image hindi para sa reporma ng bansa kundi para sa patuloy na paghahari dito sa lupa. Sarap kurutin sa singit.

Hindi natin dapat iwasan ang patuloy na pag-aakusa sa mga tarantadong nasa posisyon dahil hindi rin naman nila tinitigilan ang pang-aapi nila sa mga tao sa pamamagitan ng napakaraming mga paraan (hindi na yun kailangang isa-isahin — matagal na tayong aral at bantad tungkol sa mga bagay na yan).

Ang usapan at hakbang ay kailangang gawing simple, walang dayaan, walang lihim-lihim, walang ungguy-ungguyan, walang mahuli taya, walang playing safe, walang gaguhan para lahat tayo ay may mapala.

Edilberto Larin, Jr.

Si Edel Larin ay isang manunulat at archaeologist na nagtuturo sa Bulacan State University. Kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik sa kabundukan ng Sierra Madre sa Bulacan

Join the Conversation

8 Comments

  1. NIce!!! taina un galing tlga!!! tama ka, masyadong nang marami ang inutuo ng mga lintek na mga politika na yan para lng manatili sila sa posisyon at pahirapana ang mga taumbayan, taina nila!!!! mga gago sila!!! hehehehrheheeh gling tlga ng tito ko!! kya sau ko mana eh! hehehehe regalo ko wah!!!

  2. astig ka kapatid!ituloy ang laban.dapat mabasa mo to.yahoooo marunong na ko magcomputer!

  3. Nakakatuwa…ngayon lang ako nakapagbasa sa ganitong site… sana naririnig ng lahat bawat salita…
    Sana mas maraming makaunawa…

  4. oo nga naman gagong mga nasa posisyon yan…kya tayo di umuunlad dahil sa mga balimbing….

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.